Serenity's Point of View
Pinagmasdan masdan ko muna nag babaeng kaharap ko bago ako magsalita. Hindi rin kasi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Hindi ko inaakalang kaya niyang magalit ng ganoon ganoon na lamang. Inayos ko muna ang itsura ko pati na ang lalamunan ko.
"Micah. Okay ka lang ba?" ang tanong ko.
Nakatungo lamang siya at tinitignan lamang niya ang librong hawak hawak niya. Ni hindi niya ako pinapansin sa kahit anong gawin ko sa harapan niya. Nakapagtataka talaga itong hinayupak na ito. Bigla bigla na lamang na nagbabago ng mood.
"Micah. Okay-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kaniya nang bigla na lamang niya akong sigawan.
"Pwede ba, Serenity! Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka nalang sa harapan ko! You stupid motherf*cker!" ang sabi niya. Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko. Hindi naman niya ako sisigawan ng ganito ganito lang kung wala akong nagawang masama.
"Micah. Sorry na, kung ano mang nagawa kong masama sa iyo. Hindi ko sinasadya-" at katulad noong kanina'y hindi na naman niya ako pinatapos sa pagsasalita ko.
"Wala kang alam, Serenity. Wala kang kaalam alam. You're just a trashy piece of sh*t! Hindi mo alam kung gaano ninyo ako pinapahirapan ni Kaori. Wala kayong alam."
Akmang sasagot pa sana ako kaso natigilan ako sa sumunod niyang ginawa. Bumunot siya ng isang matalim na bagay na galing sa kaniyang bulsa. Mabuti na lamang at maagap ako. Mabilis akong nakaiwas sa pag-atake niya.
"Micah! Ano bang nangyayari sa iyo?! Hindi ikaw iyan!" ang sigaw ko habang nakikipag-agawan sa kaniya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kitsilyong hawak hawak niya. Determinado talaga siyang masaktan ako.
"Sasaktan mo ba talaga ako, Micah? Utang na loob tumigil ka sa kahibangan mo!" ang sigaw ko. Lumakas ng lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tagaktak ang pawis ko sa pakikipag-agawan ng kutsilyo sa kaniya.
"Kayang kaya kitang saktan kung gugustuhin ko, Serenity. Kayang kaya kitang patayin." ang sabi niya. Isinandal niya ako sa pader kung saan halos malapit na niyang maitarak sa akin ang kutsilyong kanina pa naming pinag-aagawan.
"Gumising ka nga sa kahibangan mo, Micah! Kaibigan mo ako! Kaibigan mo-" naputol ang sasabihin ko ng may bagay akong naramdamang dumampi sa aking balat. Malamig ito't matalas. Pagkatapos, bumagsak na lamang ako sa sahig ng hindi ko namamalayan.
Third Person's Point of View
Dahan-dahang binuksan ng dalaga ang pintuan ng isang kwarto. Doon ay natagpuan niya ang isang babae na nakaupo sa swivel chair. Pinaglalaruan nito ang ballpen na nasa mga daliri nito. Unti-unti ring kumurba ang isang mala-demonyong ngisi sa mga labi nito.
"Sit here." ang sabi ng babae. Ibinalik nito ang ballpen na kanina pa niyang pinaglalaruan sa lalagyan nito at mabilis na umayos ng upo. Pinag-intertwine nito ang kaniyang mga kamay at saka ngumisi ulit.
"Bakit ninyo po pala ako ipinatawag, Madam?" ang sabi ng dalaga. Wala siyang kaalam-alam na sa pagpunta niya dito ay manganganib ang tahimik niyang buhay. Napalunok na lamang siya ng hindi niya namamalayan. Biglang bumigat ang aura ng paligid ng akmang magsasalita na ang babaeng nasa harapan niya.
"I will just congratulate you. Congratulations, because you enter the Summa 20." inilagay niya sa kaniyang harap ang kaniyang kamay at akmang makikipagkamay sa dalaga. Ngumiti naman kaagad ito't tinanggap ang kamay ng babae.
"Do you know Johann?" ang sabi nito matapos na makipagkamay sa dalaga. Nakangiti ito na kala mo'y hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman niya sa loob niya. Naguluhan naman ang dalaga ng bigla itong maitanong ng babae out of nowhere.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...