Chapter 41: Historia Ex Mortuis

42 5 0
                                    

Kaori's Point Of View

Xenon.


Sino ka ba talaga?


Paulit-ulit na nagpe-playback ang pangalang iyon sa utak ko. Ni hindi ko siya kilala ngunit parang may kakaiba sa kanya.


"Kaori." mabilis kong nilingon ang lalaking tumawag sa akin. Ako lamang mag-isa kasi nagpaiwan ako sa may gymnasium. Nagbabakasakali kasi akong makikita ko doon sila Ate Reizza at July.


"Johann?" ang sabi ko ng bahagya kong nakita ang mukha niya mula sa may dilim. Lumapit siya sa akin nang marinig niya ang pangalan niya.


"Yes?" ang sabi niya.


"Anong ginagawa mo diyan sa dilim?" ang sabi ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay mas nauna na lamang siyang naglakad kaysa sa akin. May saltik din ito eh.


"Hindi mo ko sasagutin?!" ang sabi ko.


"Hindi mo naman ako nililigawan kaya bakit kita sasagutin?" ang sabi niya habang naglalakad siya.


"I Hate You!" ang sabi ko pagkatapos ay nauna na ako sa kanya na maglakad. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Bigla ko nalang naramdaman ang inis sa dugo ko. Siguro dala lang ng mestruation ko. Pero hindi nakakainis lang talaga siya.


"Ang tagal tagal mong hindi nagpakita sa akin tapos ganyan pa iyong gagawin mo?!" ang sabi ko. Sa inis ko nasipa ko ng malakas ang batong nakita ko. Kaagad naman akong tumalikod para makita ang reaksyon niya. Ngunit nawala naman siya ng parang bula.


"Great. Great. Johann Villaverde. Great." halos matumba naman ako sa pagkakatayo ko ng pagtalikod ko'y bumungad sa akin ang binatang kanina'y hinahanap ko lang. Sobrang lapit niya sa akin na to the point na malapit nang magkadikit ang aming mga mukha. Muntik na tuloy akong matumba, salamat na lamang ay nasambot niya ako. Ulit.


"Real talk. You miss me, right?" ang sabi niya sa akin. Bahagyang nag-init naman ang pisngi ko at napaalis ako sa pagkakasambot niya. Nakaramdam rin ako ng awkward atmosphere sa pagitan naming dalawa. Bakit parang bumalik kami sa araw ng una naming pagkikita?


"You miss me? Didn't you?" ang sabi niya tsaka niya hinawakan ang pisngi ko. Mas uminit naman iyon at mas lalong hindi ko malaman ang gagawin ko.


"Hindi kaya! Bakit naman kita ma-mi-miss? Ka-miss-miss ka ba?" ang sabi ko. Hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang mga salitang iyon pati na ang lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya. Bahagyang natawa naman ang loko na mas ikinainit ng ulo ko.


At dahil nga feel ko ngayon ang mag-walk out ay ginawa ko iyon. Bigla ko na lamang iniwan si Johann at ni wala akong sinabi. Dinala naman ako ng paa ko sa lugar na hindi ko inaasahan.


"Library?" ang sabi ko sa sarili ko. At dahil wala rin naman akong choice kaya pumasok na lamang ako sa library. Natagpuan ko doon si Ms.Josephine na nag-aayos ng mga libro. Nginitian niya ako at gayundin naman ako.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon