Chapter 40: Summa 20

38 8 0
                                        

Naive's Point Of View

Kakadating lang ni Lian sa lugar na pinag-usapan namin na pagkikitaan namin at oo late na naman siya. Anong bago doon?


"Ang aga mo para bukas, Lian!" ang sabi ko sa kanya na ikinakamot naman ng ulo niya.


"Pinaglinis pa ako noong mga bugok kong dormmates eh. Mga walang hiya iyong mga iyon. Pagkatapos kong pakainin sila't ipagluto sila, ganyan lang ibibigay nila sa akin?!" ang sabi niya.


"Yuck. Let's Go!" ang sabi ko.


Napasimangot na lamang siya dahil sa attitude ko. Samantalang, napangisi naman ako sa kaartihan niya.


Dinala kami ng aming mga paa sa isang bodega sa may likuran ng Principal's Office. Kung saan ay madalas na itinatambak ang mga basura--basura katulad ng mga traydor. Unti-unti naming pinasok ang kwarto. Di maikakailang mas malinis pa ng kaunti dito ang SPO's Office kahit papaano.


Malawak ito at ang tanging nakakapagpaliwanag lang dito ay dalawang malaking bintana na nasa kaliwa. Nasa gitna ay dalawang upuan...


Teka, upuan lang?! Nasaan na sila?!


Halos hindi kami makapaniwala sa nakikita. Wala na ang dalawang mga traydor. Kaagad akong napasigaw kay Lian na ikinagulat naman niya.


"Hanapin mo sila! Hindi sila pwedeng makalayo! Malalagot tayo kay Madam. Bilisan mo!" ang utos ko dito na kaagad naman nitong sinunod. Hindi sila pwedeng makalayo, ngayon na ipakikilala ang Summa 20 at talagang malalagot ako nito.


Bigla akong nawalan ng pakiramdam at sa tingin ko'y may kung sinong pumukpok ng matigas na bagay sa bandang uluhan ko. Unti-unti ng nandilim ang aking paningin at nawalan ng malay. Wala na akong ibang maramdaman.


Kaori's Point Of View

"Mga babae! Nakita niyo ba si July?" ang sabi ni Hani, isa sa mga ka-bandmate ni July. May pagkaastig din itong babae na ito na parang katulad ng kay July. Kaibahan nga lang ay maingay at mas maayos ang pag-uugali nitong isang ito. May dala-dala siyang electric guitar at kanina pa niyang hinahanap si July.


"Hindi." ang sabi ni Laila.


"Hindi siya umuwi kagabi. Pati nga si Ate Reizza ay hindi pa rin umuuwi." ang sabi naman ni Jhiah.


Rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mukhang kailangang kailangan niya atang makausap ang babaeng iyon.


"Saan naman sila nagpunta?" ang sabi nito.


"We don't know. Wala silang nasabi sa amin. Sa totoo lang ay nag-aalala na rin kami sa kanilang dalawa." ang sabi ko.


Kaagad na kami bumalik sa aming mga klase nang tumunog na ang bell. Hindi pa rin nagpaparamdam si Ate Reizza at si July. Wala rin kaming kasiguraduhan kung saan sila nagpunta.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon