Chapter 3: Creepy Guy

267 36 2
                                        

Kaori's Point Of View

Nakita ko na papunta sa cafeteria si Jeff. Kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya at kaagad syang niyakap.

"Kaori!" ang tawag niya sa akin na kaagad ko namang hindi pinansin sa halip ay mas niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kao! Anong nangyayari sa'yo?" ang nagaalalang tanong niya sa akin.

Hindi ko yon pinansin at kaagad sya hinila palayo sa cafeteria na tila nagtataka kung anong nangyayari sa akin.

Nang makarating kami sa dorm, kitang kita ko kung papaano niya titigan si Jhiah. Mukha ngang may pagtingin sya dito. Damn! For the very first time! Ngayon ko lang nakitang ganyan tumitig sa isang babae si Jeff! Damn! Oh my god!

Napansin din nya ata akong nakatingin sa kanya. Kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko.

"Okay so itutuloy ko na ang sasabihin ko-" ang pagbasag ko sa katahimikan.

"Ganito kasi yun-" ang pagpapabitin ko sa kanila na tila nagaabang talaga sa Ikukuwento ko. Hindi ko alam pero, bakit ganon natatawa ako sa kanila? Sa kabila ng takot na naramdaman ko kanina.

Hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil nga sa nagpipigil ako ng tawa. Mukha kasi silang mga batang nagaabang ng Ikukuwentong fairy tale sa kanila. Hahhahahaha!!!! Bakit ganon! Ang cu-cute nila!

"Okay, kasi kanina habang naglalakad ako papunta sa classroom ko" sinabi ko yun habang inaalala ang nangyari sa akin.

Habang papunta ako sa classroom ko. May napansin akong kakaiba. May sumusunod ata sa akin. Ang mas nakakatakot, ni walang mga estudyante noon kasi nga malapit na ang oras ng klase. Isa pa, masyadong mainit sa labas kaya siguro nag-stay yung mga ibang estudyante sa loob ng mga dorms nila. Hindi ko talaga sigurado kung may sumusunod sa akin nun, kasi nga tanghaling tapat or somewhat maghahapon na rin nun. Nung mapagtanto ko nga na may sumusunod sa akin. Syempre binilisan ko ang lakad ko, animo'y nasa action film ako or I can say nasa isang thriller or somewhat horror film. Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil sa takot akong may mangyari sa akin na kung ano. Dinala ako ng pagtakbo ko sa isang lugar sa M.A. I think duluhan na sya ng campus. Pader nalang ang kaharap ko. Liblib syang pook dito sa campus. Hindi ko kasi alam ang lugar na iyon. Tila gabi na kahit hapon palang. Walang ibang tao kundi kaming dalawa. Ako at yung humahabol sa akin. Dahil wala na akong magawa, humarap nalang ako sa kanya.

Natigilan ako sa pagkukwento nang biglang may kumaluskos sa may pinto. Nakita ko ang isang maganda, maputi at mukhang matalinong babae. Si Serenity, isa sya sa mga ka-dorm namin. Nang magbalik ako ng tingin sa kanila. Napansin kong nagulat si Jeff sa nakita niyang babae na iniluwal ng pintuan. Para bang kilala niya si Serenity.

"Uy! Jeff! Bakit ka andito?" ang pagtawag nito kay Jeff na tila para bang matagal na silang magkakilala o magkaibigan. Ni hindi ito pinansin ni Jeff imbis ay tumingin lang sya sa akin at bumuntong hininga. Sumandal siya sa kinauupuan niya na para bang naiinis na nakita niya si Serenity. Bakit? Anyare?

Umupo sa tabi ni Jeff si Serenity. Tinignan lang nito si Jeff na tila walang nakita. Bakit? Ano bang problema nila sa isa't isa?.

"Hayyst! Bakit ba ayaw mo magsalita Jeff! " inakbayan niya si Jeff.

"Kaano-ano nyo ba 'to?" ang tila galit na wika ni Jeff.

"Hayyst! Grabe ka naman Jeff!" ang nainis na wika ni Serenity.

Tumahimik lang kami habang pinapanood silang dalawa. Nakahanap na ata ng katapat si Jeff. Hahahaha!!

Jeff's Point Of View

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon