Kaori's Point Of View
"Huh?" ang tanong ko.
Nakatitig parin ito sa akin at tila hinihintay ang sasabihin kong sagot.
"Why are you still here?" ang tanong ng isa pang lalaki.
"I'm just curious" ang tanging nasabi ko.
Ngumisi naman ito at napatingin sa bangkay ni Dominick. Tila hindi sya nalulungkot sa pagkamatay nito bagkus ay mukhang masaya pa siya. Anong nangyayari dito? Why is he happy even if his friend died?
"Hindi ba't kaibigan mo sya?" ang wala sa sariling tanong ko sa lalaki.
"I am Kieth. Kieth Nieven Vallamur."
Ano ito? Wala akong tinatanong na kahit ano! Wala rin akong balak na tanungin kung anong name niya. Pfft.. anong problem niya?
"At oo kaibigan ko siya. At nagpapasalamat din ako dun sa Rexx sa pagpatay niya dito"
Huh?
Itinuro niya ang bangkay ng kaawa-awang katawan ni Dominick. Nauubusan na ng dugo ang katawan ng lalaki. Nagkalat narin ang dugo sa kahit saan. Halos mapunta na ito malapit sa akin. Nakakadiri! Ngunit kung gusto ko ng sagot, kailangan kong tiisin ang lahat ng mga ito.
"Anong sinasabi mo?" ang nagtatakang tanong ko.
"Huh? Hindi mo ba ito kilala?" itinuro niya ulit ang bangkay. Tumingin siya sa akin ng may ngisi sa kanyang mga labi. Bahagyang natawa pa nga ito ng kaunti at gayundin ang dalawa pa nitong kasama.
"Siya lang naman ang pabida naming kaibigan. Or I should say plastic na kaibigan. Siya ang hadlang sa mga pangarap namin. Dahil sa kanya, hindi kami napipili ni coach. Or even sa love, hindi kami sinagot ni Ginger dahilb sa b*tch na yan! Wala na syang nagawa sa amin kundi puro kamalasan!-" ang galit na galit na sabi ni Keith. Nakita ko ang kamao niyang nakakuyom sa sobrang galit na halos gusto pa niyang patayin ang wala ng buhay na si Dominick para makaganti sa mga ginawa nito sa kanila.
"Oo, dahil sa kanya. Lahat ng mga pangit na bagay ay nangyari sa amin. Mabuti nga't namatay na yang b*tch na yan!" ang sabi ng isa pang lalaki na may number 15 sa jersey na suot niya.
"Eh, hindi ba. Naging kaibigan nyo rin sya? Kaya bakit ganyan nyo nalang sya kung ituring? Hindi ba't may pinagsamahan din ka'yo?" ang mahabang pagpapaliwanag ko sa kanila.
"By the way, I am Aeon Chixx Falcon" ang sabi nito.
"Wala na kaming tinuturing na kaibigan simula noong napasali kaming tatlong magkakaibigan sa varsity. Naging mapagmataas na sya, ni hindi na nga namin sya kilala dahil sa mga inaasta niya." ang sabi ni Aeon.
"Per-" ang sabi ko.
"Wala ka ng dapat malaman. Sobra sobra na ang sinabi namin. Makakaalis ka na. Leo, Aeon tulungan nyo ko buhatin 'to" ang sabi ni Keith.
Samantalang, ang isa pa nilang kaibigan ay walang imik. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa bangkay. Si Leo, nakasuot ng jersey na may number 29.
"Sige na... Umalis ka na" ang sabi ni Leo. Hindi man lang siya tumingin sa akin even kila Keith. Kundi ay naglakad sya dahan-dahan sa lugar kung nasaan ang bangkay at nagsimulang buhatin ito gamit ang kanyang mga kamay.
"Keith! Aeon! Tulungan nyo na ako. Miss! Umalis ka na dito!" ang sabi nito.
Sumunod naman sa kanya sila Aeon at Keith.
Something fishy is happening!
Hindi parin ako umalis sa kinatatayuan ko pinagmasdan ko sila habang unti-unting pinagtutulungang buhatin ang bangkay ni Dominick at dalhin sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Mortem
Misterio / Suspenso[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...