Kaori's Point Of View
Monday. It's already August 05, 2019. Isang buwan na din pala ang nakakalipas simula noong nangyari iyong last punishment namin. And yeah, noong araw na iyon ay ilang beses na nag-away sila Naive at Johann samantalang, pinipigilan ko namang makasali si Mark kasi baka madamay pa siya at mas lalong lumaki ang gulo.
"Kaori!" nagulantang ako sa biglang tumawag ng pangalan ko.
Kaya natauhan ako sa pagkakapila ko sa cashier sa may cafeteria. Kanina pa kasi ako ganito simula noong first subject namin noong umaga. Ang dami dami kong iniisip na halos ikasabog na ng utak ko. Wala naman kaming quiz, test or anything para mamaya pero sobra ako sa kakaisip ng isang bagay.
"Isa nga po noon, tsaka po iyong isa noon." nagulat ako kasi may isang babaeng bruhilda ang sumingit sa pagkakapila ko sa cashier para bumili ng pagkain ko. Ako na dapat ang bibili kaya lang sumingit iyang babaitang iyan eh.
"Hey. Miss, ako ang nauna. May pila doon oh, hindi iyong nakikisingit ka sa may pila ng may pila." ang sabi ko. Bigla na lamang akong na-high blood dahil doon at nagsalubong din ang mga kilay ko habang kinakausap ko ang babae.
Humarap siya sa akin at inirapan lang ako pagkatapos ay pinagpatuloy niya lamang ang pagpili at pagbili.
"Excuse me?" ang sabi ko.
"Yes?!" nakataas ang kilay niyang sabi.
"May pila doon oh!" ang sabi ko.
"Ikaw pala iyan babaeng nagpahirap kay Johann! Long time no see, b*tch!" ang sabi nito.
"FYFI, For Your F*cking Information, B*tch. Wala akong ginagawang kasalanan o anuman diyan kay Johann ah! Siya ang may gawa ng kung ano anong bagay na nakakasakit sa kanya!" bahagyang napahinto lahat sa ginagawa nila ng marinig ang malakas kong boses sa apat na sulok ng cafeteria.
Napaikot na lamang ako ng paningin ko ng halos lahat sila ay pinagtitinginan na ako.
"Look, they're all looking at you! What a scene!? But, still you're the f*cking reason why Johann is caught on a fight! It's all your fault, B*tch!" ang sabi niya.
"Ms.Jhannah Karlos!" nagpanting ang tainga ko ng may biglang sumigaw sa pagitan ng pagsasagutan namin dalawa ni JhannahWhatSoEver na iyon.
Kaya napatingin kaming lahat sa boses na pinanggalingan noon.
Nakita ko ang nagsusulubong na kilay ni Ms.Italy, iyong principal namin at ang mas ikinagulat naming lahat ay ang paglabas ni Ms.Therrisiah sa likod nito. Si Ms.Italy lamang ang ganoon at wala namang kaekspresyon ekspresyon ang mukha ni Ms.Therrisiah na nakatingin sa amin.
"What's going on in here?" ang sabi ni Ms.Italy.
"Naghahanap ka na naman ba ng away Ms.Torres?" ang pahabol nito.
At ako pa talaga ang sinisi na naghahanap ng gulo! Hindi ba nila napansin itong si Jhanna na ito? Nakakabwisit ah! Kung sino pa iyong inosente siya pa iyong nadadamay sa gulo. Hindi naman ako iyong gumawa ng eksena ah!
"As I see si Ms.Karlos ang nauna..." walang emosyong sabi ni Ms.Therrisiah. Samantalang, napatingin naman ang lahat sa kanya.
Napalunok ako ng magsalita siya. Masyado ring bumilis ang tibok ng puso ko dagil dito na naging sanhi ng pagkakatigil ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala si Ms.Therrisiah.
"Am I right? Ms.Torres?" nakangiti niyang sabi.
"Pero..." ang sabay na sabi ni Ms.Italy at Jhannah. Napanganga na lamang silang dalawa sa ginawa ng babae.
BINABASA MO ANG
Mortem
Misteri / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...