Chapter 55: Ambushed Help

49 4 0
                                        

Kaori's Point Of View


"The identity of Johann Villaverde will not be born without me. At alam ko nang alam mo na siya ang anak ko. Si Xenon S. Venit." unti-unting pumatak ang luha ko sa mga mata ko na akala mo ay wala ng katapusan pa. samantalang, galit at lungkot lamang ang nararamdaman ko ngayon at wala na akong nararamdamang sakit at tila namamanhid na ako kahit pa patuloy na ang pagdugo ng mga kamay ko dahil sa kutsilyong hawak-hawak ko. Nakakuha ako ng pagkakataon para maagaw sa kaniya iyon kaya ako na ang armado sa aming dalawa. Umiiyak man ay nanatili ang galit na nararamdaman ko sa puso ko. Itinutok ko sa kaniya ang kutsilyong hawak-hawak ko ng walang pag-aalinlangan. Gustong gusto ko siyang saktan ngayon na dapat ay matagal ko ng ginawa.


"The truth hurts, Kaori. Johann lied to you. Sa tingin mo, mapapatawad mo pa rin siya at mamahalin mo pa siya?" ang sabi niya. Mas humigpit ang hawak ko sa patalim na tila handang handa na akong itarak iyon sa kaniyang dibdib. Huminga ako ng malalim at pumikit ng sandali. Pinilit kong ikalma ang sarili ko sa paglunod sa akin ng mga ideyang naiisip ko. "Don't worry. Matagal ko nang nararamdaman iyon. Everything was suspicious in here. Lahat ng mga nangyayari dito ay hindi normal. Na para bang may kakaiba dito na ayaw niyong matuklasan ng mga estudyante. Gusto mo ng katotohanan, Therrisiah?" ang sabi ko habang itinututok pa rin sa kaniya ang kutsilyong hawak-hawak ko. "You want to protect your son to the point that you can kill everyone who hurts him. Masyado mong mahal ang asawa mo kaya nang mawala siya ay ipinangako mo sa sarili mo na hindi mo na hahayaang mawala ang anak mo. You protected them from everyone na parang balewala na lamang ang kanilang mga nararamdaman para sa iyo." ang sabi ko tsaka lumunok. Magsasalita pa sana ako nang may maghagis ng isang smoke bomb mula sa kung saan.


Ikinagulat ko naman ng biglang may maghila sa akin papunta sa kung saan. Hinawakan niya ang kamay ko at dire-diretso akong hinila sa isang direksiyon. Inilingon ko sa likuran ang aking tingin ngunit wala akong makita na kahit na sinong sumusunod sa amin. Wala akong nakitang mga kaibigan. Wala si Jo-si Xenon. Napakakapal ng usok na bumalot sa lugar na iyon na halos hindi ko na makita ang iba kong mga kasama. "Are you okay?" napatingin ako sa lalaking humihila sa akin at laking gulat ko nang makita si Naive na may hawak hawak na baril sa kaniyang kanang kamay. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha mula sa aking mga mata. Sobrang manhid na ata ako at halos wala na akong nararamdaman na kahit ano. Wala ng sakit, galit, lungkot at pagkapagod akong nararamdaman. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang kaligtasan ng lahat. "We need to hurry. They will distract her para maayos tayong makapunta sa may gate. Doon may naghihintay na mga tulong." ang sabi ni Naive.


"Sino?" ang sabi ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya. "Rexx and the Polices." ang sabi niya. Tila nabuhayan naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. Sa wakas at may tutulong na rin sa amin. Hindi na kami mahihirapan. Everything will be under control. Napatigil si Naive sa pagtakbo ng maaninag ang isang anino papalapit sa amin. Madilim pa sa buong paligid kaya hindi namin makilala kung sino iyon. "Naive!" ang sabi nito. Nagulat naman ako ng mabosesan ito. Hindi ito nag-iisa at may kasama pa ito. "Yvan! July!" ang sigaw ko.



Xenon's Point Of View


"She wouldn't have said the truth. She ruined my plan." ang sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang babaeng nakapagpabago sa akin. Itinututok niya ang kutsilyo sa nanay ko at madadama mo ang takot at galit sa kaniya. "You protected them from everyone na parang balewala na lamang ang kanilang mga nararamdaman para sa iyo." ang sigaw niya dito. Nagulat na lamang ako ng may biglang bumanat sa lalaking nagtali sa akin. It was the other guys. I knew they have a plan. Pinakawalan na rin nila ang iba pa nilang kaibigan mula sa pagkakabihag dito. "Listen, guys. We need to distract Therrisiah so that Kaori will survive at maitatakas siya ni Naive papunta ng main gate kung saan naghihintay ang tulong. We need to cooperate for the plan." ang sabi ni Lian. Nagulat na lamang kami ng biglang napuno ng usok ang buong paligid. Kaagad ko namang kinuha ang baseball bat na nakita ko sa may tabi.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon