Chapter 12: Librarian (Pt.2)

115 15 0
                                        

Kaori's Point Of View

Friday

The last day of the punishment......

Maaga na naman kaming gumising ni Micah. As usual, maaga nang pumasok si Laila. Hindi rin niya kami inintay, ni hindi rin niya kami ginising or inintindi. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari kay Laila. Somewhat nagbabago na sya, hindi na siya ang aming kaibigan. Pero bakit niya iyon ginagawa? Alam kong hinding hindi niya iyon magagawa sa amin kahit kaylan. Kahit kaylan.

"Pfft... Salamat naman at last day na ng punishment natin. What a relief!" ang sabi ko.

"Kaya nga eh. Pagkatapos ng punishment natin. Ano nang gagawin mo?" ang tanong ni Micah habang naglalakad kami papuntang first period namin.

"Huh? Kaya nga pinagiisipan ko na yang kagabi pa eh. Siguro-" ang pagpapabitin ko kay Micah.

"Siguro, maghapon nalang muna ako magpapahinga pagkatapos ng punishment na ito. Pffft.. nakakapagod at mahirap din kayang maging isang librarian for a week" ang sabi ko.

"Kaya nga eh. Hindi ko inaasahan na mahirap palang maging librarian. Nakakabagot na, paikot ikot ka pa ng library. Dahil kasi sa mga estudyanteng hindi responsable" ang sabi ni Micah.

Tumango at sumangayon naman ako sa kanya. Tsaka ko ibinaling ang aking atensyon sa direksyon na aming nilalakad. Napagtanto ko na malapit na pala kami sa aming classroom. Napatingin naman ako sa aking relo na nakalagay sa aking kaliwang kamay.

7:15 a.m. Ilang minuto nalang ay maguumpisa na ang klase namin. Kung kaya't inaya ko na si Micah na bilisan ang paglalakad para makapunta kami sa classroom as soon as possible.

Nadatnan namin ang ilan sa aming mga kaklase na maayos na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Ni walang umiimik, ni wala rin atang nag-uusap. Anong nangyari?. Dahan-dahan naman kaming pumasok sa klase. Ngunit may napansin akong kakaiba. Nilingon ko ang upuan ni Laila.

Maaga siyang umalis at naghanda para sa pagpasok. Inaasahan ko pa namang makikita sya sa kaniyang upuan. Ngunit wala sya roon, hindi ko rin alam kung nasaan siya. Wala syang nabanggit o nasabi man lang sa amin ni Micah kung saan sya pumunta. Nagtataka man, naupo nalang ako ng maayos sa aking upuan. Inayos ko ang mga libro para sa period na iyon.

Matagal ko ring tinitigan ang upuan ni Laila. Pabalik-balik ko ring tinignan ang pintuan na nagbabakasakaling may iluluwal na Laila, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi ko rin maiwasang magalala sa kung ano nang nagyayari kay Laila. Napansin ko naman si Micah na nagbabasa ng kung ano, reviewer siguro. Hindi ata niya napansin na kanina pa wala si Laila.

"Micah, do you have an idea-?" ang sabi ko.

"Huh, what idea?" ang tanong niya. Sinundan naman niya ang direksyon kung saan ako nakatingin. Hindi niya ata nakuha ang ibig kong sabihin.

"Do you have an idea where Laila go? And bakit wala pa sya hanggang ngayon sa klase?" ang tanong ko.

"Huh? Oo nga noh. Ngayon ko lang yan napansin simula nang pumasok tayo. Hindi ko rin alam kung saan sya pumunta. Besides, baka may dinaanan lang syang importante. Try mong magtanong kila Mark. Baka may maisagot sila sayo" ang mahabang pagpapaliwanag nito.

"Okay, let me try" ang sabi ko. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko. Pumunta ako sa upuan nila Mark. Magkatabi sila at maraan silang naguusap ng kung ano.

"Can I ask you something?" ang tanong ko. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Mark. Habang siya naman ay gulat na napatingin sa akin. Itinabi niya ang ballpen na kanina pa niyang nilalaro habang kausap niya si Jeff na nasa likuran ng upuan niya. Umayos siya ng upo at gayundin si Jeff.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon