Kaori's Point Of View
"Sino yun?" sabay kaming napatanong ng marinig ito.
"Halika. Tignan natin Micah"
Kami lang dalawa sa dorm dahil kami lang ang hindi pumasok sa sampung ka-dormmates namin. Kaya naman ay binalot kami ng takot nang may kumalabog sa may pintuan ng napakalakas.
Hindi nagsalita si Micah at tumayo nalang. Nakatulala sya sa direksyon ng pintuan. Tila tinitignan niya kung may kung sino bang papasok sa pintuan. Hinawakan ko sya sa braso. Napatingin naman sya sa akin.
"Tignan natin Micah"
Dahan-dahan kaming naglakad sa direksyon ng pintuan. Hanggang ngayon ay malakas paring kumakatok sa aming pintuan ang kung sino man. Tila ay mawawasak na ito sa paraan ng pagkakakatok nito.
Dahan-dahan namang kumuha ng kung ano si Micah.
"Huy! Ano yan?"
Nakita ko syang kumuha ng isang baseball bat na pagmamay-ari ni July. Kasama kasi ito Sa isang baseball team. Hinanda ito ni Micah. Akmang manghahampas.
"Baseball bat? Hindi ba obvious?" ang naiiritang sabi ni Micah sa akin.
"Ready?" ang tanong ko dito na nakahanda parin. Nakaayos na sa paraang manghahampas ang baseball bat na hawak niya. Nakataas ito at nakatingin naman ng diretso si Micah sa pinto na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pagkatok dito.
"Seriously? I am born ready Kao!"
Unti-unti kong binuksan ang pintuan. Nagulat si Micah sa nakita nyang tao na kumakatok sa pintuan kaya naman ay dali-dali niyang inilagay sa isang tabi ang kaninang hawak na baseball bat. Tsaka naman mabilis na bumalik sa kinatatayuan niya. Pati rin ako ay nagulat. Nagulat din ang taong kumakatok sa pinto. Hindi ata sya makapaniwala sa nakita na ginagawa ni Micah.
"What are you doing Newbies?" ang tanong nito.
"Ummm...." hindi kami makapagsalita ng maayos dahil sa nangyari..
"N-nothing Mr. Naive" ang sabi ko dito. Tila nabalot kami ng takot at pangamba. Pati narin ang pagkahiya dahil sa nasaksihan ni Naive. Nakakatakot pa naman dahil kasama kaming dalawa sa THE LIST. Mahirap na't baka madagdagan pa ang mga penalty na makuha namin.
Ngumisi ito sa amin.
Habang kami naman ay hindi makatingin sa kanya ng diretso.
Yumuko si Micah dahil sa pagkahiya at pinaglaruan lang ang kanyang mga paa. Tinitigan nya lang ito.
Habang ako naman ay sa iba ibinaling ang mga paningin para hindi ako mapansin ni Naive.
Why it's so awkward?!
"Pfft... Fine! Pinapatawag ko nga pala kayong dalawa" ang sabi nito. Hindi ko malaman kung nananakot ba ito or what sa tono ng pagsasalita nito.
Nagulat naman kaming dalawa na naging Sanhi ng pagangat ng aming mga paningin dito. Samantalang, diretso naman syang tumingin sa aming dalawa. Ngunit kahit anong gawin namin. Hindi namin magawang tumingin dito ng diretso at seryoso. Para kasing kakainin niya kami sa isang titig niya lang sa amin.
"Pi-pinapatawag?" ang tanong ni Micah.
"Are'nt you listening? I said PINAPATAWAG!" kahit kailan talaga napakasakit niyang magsalita. Diniin niya pa ang mga salitang PINAPATAWAG. Tila galit din ito sa tono niya. Galit at naiinis na ata sa aming dalawa.
Lumunok lang kaming dalawa ni Micah at tinignan si Naive. Ngayon ko lang napansin ang dala-dala niyang isang papel. Pamilyar ito sa akin dahil parang nakita ko na ito na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...