Kaori's Point Of View
"Ano nakapag-review ka ba? Mahaba haba din iyong exam na iyon. Sana makapasa tayo, para naman makasama din tayo sa Summa 20 hindi ba?" ang sabi ni Laila habang naglalakad kami papuntang room namin. Kanina pa iyan dada ng dada eh and yes I'm used to it.
"Oo ano! Kagabi pa! Fighting lang Laila! Fighting!" ang sabi ko.
Habang naglalakad, palinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling makikita ko si Johann ngunit wala talaga siya. Ilang beses ko ng sinubukang hanapin siya kung saan saan pero hindi ko talaga siya mahanap.
Nasaan kaya iyong bugok na iyon?
"Micah. Dito ka oh! Heto iyong room mo." ang sabi ko. Naghahanap kami ng mga rooms namin kasi nga alphabetical ang ginawang paraan ng pagkuha ng test. So, ayun kailangan kong hanapin ang pangalan ko and yes, malayo layo pa ang lalakbayin ko kasi nasa letter R ako ngayon at letter T pa ako.
"Letter T. Torres. Torres. Torres." ilang beses din akong pumunta sa kung saan saang mga rooms. Tingin doon, tingin dito, hanap doon, hanap dito. Kasi naman buong academy ang magte-test ngayon. So, marami rami ang mga estudyante at mukhang mahihirapan at matatagalan akong hanapin ang pangalan ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already 1:00 in the afternoon. Kaya binilisan ko na ang paghahanap ng room ko.
I ended up in the building near in the gymnasium 5 and also in the cafeteria 2.
"Torres!" ang sabi ko na parang napasigaw ko. Napatingin tuloy ang lahat ng taong nandodoon sa akin.
Masyado lang kasi akong excited kasi nga sa wakas ay nahanap ko na ang room ko. And guess what, hindi pa ako late! 2:00 in the afternoon kasi magsisimula ang test hanggang 6:00 ng gabi.
I wonder if ilang items ang mayroon doon at ganoong katagal siya ite-take.
Suspicious, isn't it?
O baka naman napa-paranoid na naman ako. Overthinking na naman. Baka wala namang kakaiba at sadyang mahaba lang iyong test. Kasi nga doon nakasalalay ang bawat grades ng estudyante. Kapag mataas ka may posibilidad na makasali ka sa Summa 20 at kung mababa ka naman ay there's a possibility na mapaalis ka sa school na ito.
But, I really don't know if ganoon ba talaga ang ginagawa nila sa mga bumabagsak. I just heard it to the two girls talking behind my back. Kanina pa silang nagdadaldalan ng kung ano ano.
Pero, there's one topic that I've got interested for.
"Kilala mo ba si Johann? Balita ko sa kabilang room lang iyong room niya eh."
"Yes. Is he the witty student? Iyong dapat ay nasa pwesto noong Xenon?"
"Oo. Ikaw ba kilala mo si Xenon?"
Sumabat ang isa pang babaeng kanina pa kating-kati na makisali sa pinaguusapan nila.
"You know girls. Nobody knows who is that Xenon is. Nobody knows, okay? Kaya huwag ninyo nalang pag-usapan siya." pagkatapos ay pumasok na siya sa room ko.
Nobody knows who he is? Xenon, Sino ka ba?
Tila hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng may isang lalaking dumaan sa may harapan ko. Wala siyang dala-dalang kahit ano maliban nalang ang sarili niya. Well, I think ganito talaga siya mag-test. Mabilis siyang dumaan sa harapan ko at parang ni hindi ako pinansin. Ni 'Hi' ni 'Hoy' man lang wala eh.
Pero, napansin ko lang. Mayroon siyang coat ngayon. Kanino naman niya iyon hiniram?
Pabagsak na inilagay ko ang mga gamit ko sa upuan ko. Nakakainis lang kasi na hindi niya ako pinansin. Mabuti nga't wala akong ibang ginawang masama at hindi ko dinumihan ang coat niya. I even wash it at our dorm. Tapos gaganyanin lamang niya ako?
BINABASA MO ANG
Mortem
Misterio / Suspenso[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
