Chapter 14: Same

131 14 0
                                    

Kaori's Point Of View

"AAAAAAAHHHHHH" ang narinig kong sigaw ni Micah. Dali-dali naman akong pumunta sa lugar kung nasaan si Micah.

"AAAAAAAAAHHHHHH" napasigaw din ako sa nakita. Hindi naman ito multo o kung ano. Nagulat din ito dahil sa nakita niya kami. Why is he here?

Napaupo ito at hinawakan ang kanyang dibdib para habulin ang hininga.
Sobrang nagulat ata ito sa amin. Bigla kasing sumigaw si Micah na ikinagulat ni Jeff.

Napahawak din si Micah sa kanyang dibdib. Hinabol ang hininga at napasandal sa pader. Gayundin si Jeff, napasandal din si Jeff sa pader. Hawak pa rin ang kanyang dibdib. Habang ako naman ay nakaistatwa na nakatitig lang sa kanilang dalawa. Especially, kay Jeff. Bakit sya nandito? Ang dami na namang tanong ang umaandar sa isipan ko. Hayyssst...

"Jeff?" ang tanong ko. Hindi lang sila, ngunit pati na rin ako ay nagulat. Napatingin naman sa akin ang dalawa. Nasa akin lang ang sentro ng kanilang atensyon.

"Obvious ba? I am Jeff"

Kahit kaylan talaga ay pilosopo ito eh. Anak kasi siya ni Aristotle, philosopher.

"Anak ka talaga ni Aristotle. Syempre I know who you are-" ang pagpapabitin ko.

"Hali nga kayo. Doon tayo sa may upuan. Masinsinan tayong magusap tatlo" ang sabi ko.

"Bakit anong mayroon?" ang tanong ni Jeff. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Napatayo naman ito ng maayos at gayundin si Micah.

"Maguusap tayo kung bakit ka nandito" sinenyasan ko sya na sumunod sa akin gayundin si Micah. Sumunod naman ito. Naupo kami sa isang upuan, malapit sa may librarian's desk.

Pinagkrus ko ang aking kamay at saka sumandal sa upuan. Diretso akong tumingin sa kanilang mga mata. Bakas ang pagtataka at takot dito.

"What is happening in here?" ang tanong ko.

"Micah dito ka sa tabi ko" sinenyasan ko sya na maupo sa tabi ko. Sumunod naman ito at tahimik na umupo sa tabi ko.

"Huh? Kayo, bakit din kayo nandito?" ang pagbabalik tanong nito.

"Answer our question first. Why are you here?"

"Eh, bakit nga ba nandito rin kayo ah?" ang sabi nito.

"Hayyt! Bakit nga kasi muna nandito ka rin? Hindi ba't sasamahan mo si Mark sa pagpasa nung project niya?" ang tanong ni Micah.

"Masama bang nandito ako? Ayaw niyo ba akong makita? Ayaw niyo bang makita ang gwapong mukha ko?" pinalo ni Micah ang braso ni Jeff.

"Kahit kaylan talaga ambisyoso ka!" ang sabi ni Micah.

"What is the reason why you are here?" ang tanong ko.

"Pfft... Bago ko sabihin kayo muna, kayo muna ang magsabi kung bakit din kayo nandito!"

"Pfft... Kami ang unang nagtanong and dapat mo iyong sagutin" ang sabi ni Micah.

"Pfft... Micah, shut up. Hindi tayo matatapos nito eh. Okay, kaya kami nandito kasi this is our punishment for being absent last week. Librarian kami. Pinalitan kasi muna namin si Mrs. Josephine, ayan okay na? Ikaw naman. Tell us what is the reason." ang pagpapaliwanang ko. Nakakunot-noong nakatitig sa akin si Jeff na parang nagtataka. Nagulat ata sya sa sinabi ko.

"Ganoon ba? Eh kasi-" hindi niya naituloy ang sasabihin ng maibaling naming tatlo ang paningin sa pintuan ng library. Unti-unti kasi iyong bumubukas at may naaninag kaming tao na pumasok mula doon. Si Hans.

"Hans! Nasaan si Mark?" ang tanong ni Jeff.

"Nandoon lang sya sa may cafeteria kasama sila Chase at Lian. Bakit?" ang sabi nito.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon