Chapter 19: Silent Street

95 13 0
                                    

Kaori's Point Of View

"What's up?" ang sabi nito sa amin. Napakunot noo naman ako at napatingin sa kanya.

Umupo si Micah sa tabi niya at saka nag-indian sit. Hindi siya umimik at tumingin lang sa malayong kawalan.

"N-Nothing July." ang sabi ko sabay upo sa kabila niyang tabi malapit sa gitara niyang kulay itim.

"Seriously?" mabilis niyang isinarado ng padabog ang libro at saka tumingin sa direksyon ko.

"What?" ang tanong ko.

Napatingin naman sa aming dalawa si Micah at napakunot noo. Tila nagkagat-labi pa ito habang nakatingin sa amin.

"You want to know where is Laila, isn't it?" ang sabi niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa pagitan namin. Nakapamewang pa nga ito at hawak hawak pa rin ang librong kanina pa niyang binabasa.

Nagulat kaming dalawa sa sinabi niya.

Sabi na nga ba ih! Alam na niya kung anong pakay namin!

Hindi kami nagbalak na tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"At bakit niyo namang naisipan na alam ko kung nasaan si Laila?" ang tanong niya.

"H-How D-Did you?" ang sabi ni Micah habang tinuturo si July na nagsasalubong ang mga kilay na nakatingin sa amin.

"I don't know, but I just know." ang sabi niya. Tsaka siya ngumisi sa amin.

"Pero hindi nga, bakit niyo ako nilapitan at bakit niyo ring naisipan na alam ko kung nasaan si Laila, hah!?" ang tanong nito. Umupo ito sa harap natin habang nagtatakang nakatingin sa aming mga mata.

"We don't know. Basta ano..........kasi-" ang sabi ni Micah.

"Our feet held us to you" ang sabi ko.

Natawa naman siya sa aking sinabi at tsaka inilagay sa isang gilid ang binabasa niyang libro.

"HAHAHAHAHAH, seryoso ba kayo? Or you just making fun of me?" tumaas ang kilay nito habang nakatitig sa akin.

"Okay, seryoso nga kayo-" ang padagdag niya ng mapansing hindi kami umimik bagkus ay walang emosyon lang kaming tumingin sa kanya.

"Didiretsuhin ka na namin, July-" ang panimula ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at ibinaba ang tingin sa nakaupong si July. Iniangat naman niya ang tingin sa akin habang nakaupo pa rin sa damuhan.

"Where is Laila?" ang pagsabad ni Micah. At katulad ko'y tumayo din sya sa kinauupuan at pumunta sa bandang likuran ko.

"At bakit nyo naman sa akin hahanapin 'yang pesteng kaibigan niyo huh? Did I have the responsibility to take care of her? No, It's yours. Right?" ang sabi niya.

Hindi kami umimik dalawa sa kanyang sinabi. Samantalang, binigyan naman niya kami ng isang mala-demonyong ngisi sa kanyang labi. Bahagya pa siyang napatawa ng kaunti sa sinabi niya. Napaawang naman ang aming mga labi sa ginawa niya. Dahilan para mapakunot-noo ito at mabilis na mawala ang ngisi sa kanyang mukha at mapalitan ng isang seryoso at walang emosyong mukha.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon