Jeff's Point Of View
Second day....
"Jeff! Halika dito!" ang tawag sa akin ni Chase. Magkakasama kami ngayon dito sa isang booth. At hindi namin kasa-kasama sila Kaori, Micah, Laila at Mark. Sa iba daw sila pupunta at ayaw nilang sumama sa amin, sa akin rather. Bakit kaya?
********
"Nabalitaan niyo ba iyong nahimatay na contestant?. Ano kaya'ng nangyari doon noh?"
"Oo, sama siguro ng pakiramdam niya."
"Kawawang bata."
Madaming bulong-bulungan akong naririnig ngunit isa lamang ang mga topic na pinaguusapan nila. Tungkol doon sa babaeng nahimatay sa spelling bee. Nakakasawa na nga eh. Palagi na lamang doon sa babaeng iyon ang pinaguusapan nila. Wala bang iba?
"Nakakapagtaka ano? Bakit walang namamatay?" ang sabi ni Lian. Huh? Oo nga ano?
Huh? Walang namamatay? Oo nga ano, nakakapagtaka. Ms.Therrisiah said that killing is legal today. So, ano ngayon? Eh, wala namang namamatay! Tss.. I think it is only a false news.
"Jeffry?" bigla akong bumalik sa realidad ng tawagin ni Chase ang aking pangalan.
"Hmmmm???" ang tanong ko.
"Lutang ka?"
"No...no... I'm just thinking of something."
"At ano naman iyon?"
Napakamot ako ng ulo.
********
Third Person's Point Of View
"Bethanie? Where's Bethanie? Magsisimula na ang Science bee!" A woman said as she called Bethanie's name outside the venue. Malapit nang magsimula ang contest at hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalaga.
"Jhiah? Where's Bethanie?" ang tanong ng kanina pang nag-aalalang guro.
"Ang sabi po niya magba-banyo lang po sya tapos hanggang ngayon wala pa rin po sya eh." ang sabi ni Jhiah, siya ang matalik na kaibigan ni Bethanie na isa sa mga representatives ng klase nila para sa Science Quizbee.
"Are you sure?" tumango-tango naman ang dalaga sa guro.
"Then follow her and tell her that the bee will start. Sabihin mong siya na lamang ang iniintay." ang utos ng guro habang isa-isang chine-check ang mga contestants na nasa loob ng venue.
"Okay Maam." ang sabi ni Jhiah. Mabilis itong dumiretso sa C.R. para sunduin si Bethanie.
"Ano ba iyan! Katagal-tagal naman ng babaitang iyon!" ang sabi niya habang naglalakad. Hindi inaasahan at nakita niya si Hans na pasalubong sa kanya. Sinubukan niya itong batiin ngunit parang balisa ito at mabilis lang syang nilagpasan at iniwasan.
"What's going on?" ang sabi niya sa kanyang sarili. Habang naglalakad, nag-isip isip siya ng kung ano ano. Katulad ng, kung papaano siya mapapansin ng crush niya; kung anong gagawin niya kung hindi niya makita si Bethanie; at kung anong sermon ang makukuha niya galing sa adviser niya kapag nangyari nga iyon.
Ilang sandali pa, nakarating na siya sa pasilyo kung nasaan malapit ang C.R. Masyadong tahimik roon at mukhang walang katao-tao. She have a bad feeling but she doesn't know why. Habang palapit ng palapit sya sa C.R ay palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib niya.
"Hello? Beth? Are you here?" ang tawag niya sa kaibigan sa bungad ng pintuan ng C.R.
Halos matakasan siya ng hininga ng biglang may sumigaw mula sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
Mortem
Tajemnica / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...