Kaori's Point Of View
"Prank ba ito? Dahil kung oo, hindi. Hindi nakakatuwa!" ang sabi ni Serenity. Halos mawalan kami lahat ng hininga sa aming nasaksihan. Puno ng sariwang dugo ang laman ng box. At lahat kami'y napaatras ng makita ang laman nitong note.
Si Jhiah. Pero kakausap ko lamang sa kanya kaninang umaga. Hindi pupwede ito!
Napansin ko ang isang bote ng likido sa may bulsa ni Laila. Pagkatapos nito'y nagpatak siya ng kaunti ng likidong iyon sa mga niluluto niyang handa para kay Mejhiah. Naramdaman niya ata ang presensiya ko kaya siya humarap sa direksyon ko. Buti na lamang at nakaalis kaagad ako sa kusina. Hindi na niya napansin ang pag-alis ko.
Hindi kaya pinlano lahat ito ni Laila? Pero hindi niya ito magagawa sa amin, sa akin. Ilang taon ko na rin siyang kilala kaya alam kong hindi niya magagawa iyon sa amin. HIndi niya magagawang pumatay. Pero para saan naman ang boteng iyon?
Napatingin na lamang ako sa seryosong mukha ni Laila. Nakapalibot kami sa isa't isa at nag-babahagi ng kaniya-kaniyang mga naiisip. Napa-buntong hininga na lamang ako sa sobrang kakaisip. Napahawak din ako sa aking noo na halos sumakit na. Hindi rin ako maayos na makahinga sanhi para mapansin ng mga kasama ko.
"Okay. Unang-una. Kumalma muna tayo. Kalma muna, guys. Kailangan nating makapag-isip ng maayos para malaman natin kung anong nangyari-" hindi na natapos ni Laila ang pagsasalita ng pigilan siya ni Micah.
"Laila." ang sabi nito. Naibaling naman namin lahat ang atensyon namin sa kanya. Kaagd siyang huminga ng malalim bago magsalita. Mas lalo naman akong kinabahan sa bawat galaw at salitang mabibitawan niya.
"Are you with us?" ang sabi ni Micah. Kaagad kaming naguluhan sa mga kalokohang sinasabi ni Micah. Seryoso siya sa mga sinasabi niya't panay lang masamang pagtitig niya kay Laila na halos makain na niya ng buhay sa paraan ng pagtitig niya dito.
"What? Are you with us? What kind of a dang question is that, Micah?" bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ni Laila na mas lalong ikinatakot ko. Napalabas tuloy ng kwarto si July dahil sa akmang pagsisigawan ng dalawa.
"What is that? A poison? You think you can poison us?" ang sabi ni Micah. Itinuro niya ang boteng kanina pa nasa bulsa ni Laila. Iyon iyong boteng nakita ko kanina na ipinatak niya sa mga niluluto niya. I think, Micah knew it.
"It is not a poison!" ang sabi ni Laila. Halos magkadikit na ang kanyang mga kilay sa pagsasalita niya. Inilabas niya ang boteng nasa bulsa niya upang ipakita sa amin iyon. Kaagad naman na nakakuha ng tyempo si Micah at akmang inagaw niya ang boteng hawak-hawak ni Laila.
Pinigilan ni Laila na makuha ito ni Micah kaya nakipag-agawan siya dito. Lahat kami na nasa dorm ay nataranta at halos hindi magkamayaw sa ginagawa ng dalawa. Nagulat na lamang kami ng biglang sumigaw si July at napatigil naman sa pag-aagawan ang dalawa.
"Can y'all stop?! Walang maitutulong iyan!" ang sigaw ni July na nasa tabi ng kahon ng regalo na laman ang puso ni Mejhiah. Naiiyak siya ng makita iyon ngunit tinatagan niya ang sarili upang mapigilan ang dalawa pa naming ka-dormmates na nag-aaway.
BINABASA MO ANG
Mortem
Tajemnica / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
