Kaori's Point Of View
Ilang linggo na rin ng mangyari iyon. Hanggang ngayo'y hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Mark. He kissed my f*cking virgin lips!
But, still. Hindi ko pa ring matinong makausap o mahagilap man lamang si Johann. Halos araw na araw ko na ring kung dala dala ang coat niyang nalulukot na masyado. Pagdating naman sa mga kaibigan ko, maaayos na kami. Masinsinan na rin naming napagusapan ang mga nangyari noong araw na iyon kasama na si Mark.
"Mark!" speaking of Mark. Ilang araw na rin niya akong sinusundo dito sa may tapat ng dorm namin. Hindi ko nga alam kung ano bang pagkaing nakain ng lalaking ito at biglang naging sweet sa akin.
I tried to confront him about the kiss and also the confession pero iniiba niya palagi ang usapan. Minsan naman hindi siya matino kausap, hindi mo maiintindihan at palagi niyang iniiba ang usapan para hindi ko mabanggit ang tungkol doon sa mga ginawa niya.
"Nandiyan na pala kayo!" ang sabi niya. Masyado lang ata akong assuming na iniisip kong ako ang sinusundo niya araw araw dito.
"Bakit parang wala kang dalang gamit?" si Laila. Napatingin din ako sa kanya. Nasiyasat ko ring wala siyang dal dalang bag o gamit man lang. Napakunot noo kaming tatlong babae at kaagad na tinignan siya.
"Hindi ninyo ba alam?" si Mark.
Nanatili lang kaming tahimik.
"Absent kaya iyong adviser natin. So, apparently walang gagawin! I guess puro vacant time lang mamaya." ang sabi niya habang may malawak na ngiti sa knayng mga labi.
"Si Sir Fanilo? Absent? Aba! Himala ata iyan! Ni minsan hindi ko siyang nakitang um-absent sa klase." Ang sabi ni MIcah.
Sumang-ayon ako kay MIcah. May mabigat sigyrong dahilan kung bakit absent si Sir. Pero sino ang papalit sa kanya?
"Pero sino ang exchange teacher?" ang sabi ko.
BIglang nawala ang ngiti sa labi niya ng marinig ang sinabi ko pagkatapos ay kaagad din iyong bumalik.
"Alam mo, Sunshine. Siguradong walang exchange teacher kasi nga lahat busy. Maraming ginagawang papers ang mga teachers ngayon. And besides malapit na rin ang Mortemian:Night full of talents, hindi ba?" ang mahaba niyang pagpapaliwanag. Bahagyang inakbayan niya rin ako na medyo ikinailang ko.
Aaminin ko. Simula ng magsabi siya ng feelings niya pati na rin ang pesteng kiss na iyon ay nagsimula na rin akong mailang sa tuwing kasama ko si Mark. Mula sa pagtitig niya sa akin hanggang sa pagtawag sa akin ng 'My Sunshine'.
"Sige na sige na. Huwag na nga kayong maglandian diyan dadaan ang Reyna ninyo." dumaan sa gitna namin ni Mark ang 'reyna daw' na si Laila. She then flipped her hair na tumama naman sa mukha ko.
Maingay na maingay ang klase pagdating na pagdating namin ng mga kaibigan ko. Wala pa ang exchange teacher namin. As usual, iba't iba na naman ang mga mundo nila. And then, there's me na nakatahimik na nakaupo sa upuan ko. Namomobrlema na naman ako pero hindi ko rin alam kung bakit.
"What's the matter, Sunshine?' nagulantang ako sa lalaking umupo sa upuang nasa harapan ko. Napansin niya siguro akong mag-isa lang kaya niya ako pinuntahan. He is widely smiling at me.
"Huh? Ugh. Anong ginagawa mo, Mark?" ang sabi ko nalang. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako komportable sa harapan niya at hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako na sagad hanggang buto ko at buong sistema ko.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...