Kaori's Point Of View
"Yes. I will marry you." hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Nakaluhod sa harapan ko si Xenon habang may hawak na singsing. Kaagad niya iyong inilagay sa palasingsingan ko. Pagkatapos ay tumayo na siya at hinalikan ako. Naghiyawan naman ang mga taong nasa paligid ko at nangunguna pa si Micah. Halos maiyak naman ako ng ilibot ko ang paningin ko. May lamesa at upuan na para sa pangdalawahan. Mga rosas. Mga ilaw na nagkikislapan at ang singsing na dala-dala ni Xenon. Isama mo pa ang vibe ng rooftop at ang pagsabwat ng mga kaibigan ko kay Xenon.
"So, saan mo gustong mag-date bukas?" ang sabi ni Xenon habang nakasakay kami sa kotse niya. Araw araw niya akong sinusundo at hinahatid pauwi ng condominium namin. May trabaho na kami pareho at maayos na rin ang lahat. Wala nang nanggugulo na Therrisiah ang pangalan. Maayos na ang lagay ng magkapatid na ito at wala na silang iniisip na kahit ano.
"I want to visit Laila in the cemetery. She must be alone there at ipapaalam ko sa kaniya na engaged na ako. Siguradong matutuwa iyon." ang sabi ko. Napangiti na lamang siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "You surely missed her, Babe." ang sabi niya tsaka iniliko ang kotse sa isang supermarket. Medyo natagalan siya sa paghahanap ng space para sa pagpa-park dahil punuan na rin doon.
"Anong gusto mong lutuin bukas? Chicken or veggies?" ang sabi ko kay Xenon. Siya ang may hawak at nagtutulak ng push cart namin. Hindi ko alam kung ano iyong mga pinaglalalagay niya doon at bigla na lamang napupuno ang lalagyan namin. "Ano na namang pinagku-ku-kuha mo? Napupuno na naman ang cart natin. Tss." ang sabi ko at sala siya napakamot sa ulo. "Inutusan ako ni Sapphire na bumili. It was all his fault." ang sabi niya. Napatingin ako sa kaniya ng masama habang may hawak na mga gulay. "Talagang nanisi ka pa?" ang sabi ko. Sapphire lives beside our condo at minsan ay tinatamad ang hinayupak na iyon lumabas at bumili ng mga pangangailangan niya kaya iniuutos niya sa kuya niya. Tss. That kid.
"Magbihis ka na at sigurado akong napagod ka buong araw. Lalabas na muna ako at ibibigay ko na ang mga ito kay Sapphire." ang sabi ni Xenon. Kinuha niya ang mga paper bag na nakapatong sa may lamesa. Nagpaalam siya sa akin at saka na siya lumabas para pumunta sa condo ni Sapphire. Kaagad kong inalis ang coat ko nang makapasok sa may kwarto. Pagkatapos ay pumili ako ng maayos na masusuot na damit. Simpleng white oversized shirt at denim na shorts lang ang suot ko. Inipitan ko rin ang nakalugay kong buhok. Nakabun na ito ngayon at pagkatapos ay umupo na muna ako sa may kama at niyakap ang isang unan.
"Kamusta na kaya si Xylan?" ang sabi ko at saka ako mabilis na tumayo at nagtungo ng terrace. Doon nakita ko ang bird cage ni Xylan. Hindi ko alam kung saang lupalop ng lugar kinuha ni Xenon si Xylan. Pagdating na lamang kasi niya isang araw dito sa condo ay dala-dala na niya ito. Naalala ko noong araw na una ko itong nakita sa may academy. Magkasama naming nakita ni Xenon ito, he even said that she's beautiful as me. And he mean it, I know it. Kinuha ko ang feeds ni Xylan at naglagay ako sa lalagyan niya. "Ano kayang pakiramdam ng ikinukulong ka? Ano kaya ang nararamdaman ni Xenon at Sapphire ng gawin iyon ng nanay nila?" ang sabi ko at saka itinaas ang paa ko sa may upuan at niyakap ang tuhod ko. Halos araw araw tuwing uuwi ako ay kinakausap ko si Xylan. Feeling ko kasi talaga may kakaiba sa ibong ito.
"Beer?" nagulat na lamang ako ng biglang may naglagay ng beer sa may lamesa. Umupo si Xenon sa isa sa mga upuan doon at hinila sa tabi ko. "Kinakausap mo na naman si Xylan? Nagseselos na ako." ang sabi niya at saka ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Tss. Nagpapaka-isip bata ka na naman. Teka, may itatanong lang ako." ang sabi ko. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at saka nagtatakang tinignan ako sa dalawa kong mga mata. "Ano iyon?" ang sabi niya tsaka uminom ng beer.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...