Chapter 31: Friendship & Coat

36 5 0
                                    

Kaori's Point Of View

'Guidance Office at weekdays and sometimes in the library and the SPO's Office.

P.s. minsan ay nasa Mortem Office lang ako. Kaya don't be shy.'

Kanina ko pa tinitignan ang piraso ng papel na ibinigay sa akin ni Ms.Therrisiah. Sadyang nagtataka lang kasi ako kung bakit niya ba ibinigay ang bagay na iyon sa akin.

Ganoon ba talaga ako ka-espesyal?

"Here." ibinigay ng isang lalaki ang nahulog kong notebook.

"Johann?" nagulat ako sa nakita ko.

Si Johann iyon. I don't know why he is outside this late.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat ay nasa dorm niyo na ikaw?" ang tanong ko pagkatapos kong makuha ang notebook.

"Wala lang. Masama bang maghintay?" ang sabi niya.

Sa totoo lang, minsan hindi ko ma-gets ang nasa isip ng mokong na ito eh.

"Psh. Sige! Uwi ka na, bye bye!" I said as I wave him goodbye. Ngumiti pa ako pero nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Hindi ba ako pwedeng sumabay sayo? Besides, baka may kung anong nandyan sa tatahakin mong daan. Wala pa namang ilaw diyan. Kaya kailangan mo ng kasama." ang sabi niya.

Napatingin naman ako sa daang tinutukoy niya. Oo nga, masyado ngang madilim. Nakakatakot pa naman ang ganoon.

"Sige kung namimilit ka." ang sabi ko.

Tahimik kaming naglakad. Walang umiimik sa aming dalawa. Hanggang sa binasag ni Johann ang awkwardness na nasa pagitan namin.

"Akin na iyan. Mukhang mabigat at hindi mo kaya." ang sabi niya nang mapansin niyang madami akong dala-dalang kung ano ano.

"Para saan ba itong mga ito?" napatingin ako sa mukha niya ng sabihin niya iyon. Grabe! Ang amo ng mukha niya. Parang isang anghel o di kaya'y isang anime na pinababa sa lupa. Kinuha niya ang mga gamit na dala-dala ko.

Samantalang, napatingin din naman siya sa aking mukha-mata. Yeah, look to each other eye-to-eye. At hindi katulad ng kanina na ang dilim ng aura niya, ngayon ay ang amo amo naman ng pagmumukha niya at parang hindi nakikipagbugbugan.

Nang mapagtantong masyado na kaming nagtitinginan ay mabilis kong inialis ang tingin sa kanya at kaagarang sinagot ang tanong niya.

"Ugh... Para iyan sa mga assignments, projects at kung ano ano pa." ang sabi ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na umiinit ang buong mukha. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nangyari iyon, gayong hindi naman mainit sa paligid at maayos naman ang hangin.

Pero bakit?

Narinig ko ang pagbungisngis ni Johann.

"You're blushing, aren't you?" bakit ang bilis niyang makasagap ng mga ganoon?!

"Huh? Ako? Ako? Tss... Hindi ano! Bakit naman ako magbu-blush?!" ang sabi ko.

"But you're really are blushing! Masyado bang mainit kaya ganoon? Or may nararamdaman ka lang na kakaiba? Normal ba iyan?"

Paranoid din itong isang 'to eh.

Nagulat ako sa sinabi niyang 'May nararamdaman ka lang ba na kakaiba?' actually wala na parang meron. Ewan! Ang gulo gulo.

"Wala ito. Huwag mo nalang pansinin." ang sabi ko nalang.

"Alam mo. May sinabi sa akin si Mommy. Tungkol sa pagbu-blush ng isang tao.-" ang sabi niya tapos tumingin siya sa akin.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon