Laila's Point Of View
Sumama ako kay Jeff pabalik ng aming mga dorm. Iniwan naming dalawa ang dalawa pa naming kaibigan. Kasama din nila si Jhiah. Mahigpit ko lang na hinawakan sa kanyang braso si Jeff habang naglalakad. Hindi ko kasi maiwasan na magalala sa maaring mangyari kila Micah at Kaori. Kahit na pareho silang amazona, natatakot parin ako para sa kaligtasan nila. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila ngayon? Sana nasa mabuting kalagayan sila. Ayokong may mangyayari sa kanila na masama. Lalong lalo na si Kaori. Hindi ko yun kakayanin kung magkataon. "Jeff, sa tingin mo ayos lang kaya sila doon?" ang nagaalalang tanong ko kay Jeff. Ngumiti sya sa akin at huminga ng malalim. "Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanila. Kaya nila yan! Sila pa ba?" dahil sa sinabi ni Jeff. Sa tingin ko nabawasan ng kaunti ang kaba at pagaalalang nararamdaman ko sa kalooban ko.
Mabilis kaming naglakad papunta sa dorm namin. Nagpahatid kasi ako kay Jeff.
"Jeff! Dito ka muna. Tulungan mo akong alagaan si Mark" ang sambit ko.
Tumango lang ito at pumasok sa dorm namin. Sumunod naman ako sa kanya. Nadatnan namin na nasa sofa sa sala si Mark. Nakaupo sya dito.
"Anong nangyari?" tila sinisiyasat njya kami. Hinahanap ang iba naming mga kaibigan. "Nasaan na sila?" ang padagdag nito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pangamba. Tila alam na niya ang nangyari kahit hindi na namin sabihin. Lumunok muna ako bago ko sabihin ang nangyari. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin kay Mark."Kasi sila Micah at Kaori. Pinaiwan muna sila doon. May mahalaga kasing sasabihin sa kanila" ang sabi ko. Hindi ata naniwala si Mark. Kumunot ang noo niya. Nagtataka kung bakit yun ang sinabi ko.
"Hah? Yun lang ba? O kasama pa sila sa listahan?" paano niya nalaman ang bagay na yun? Hindi naman siya pumunta doon? Hindi ba?. Nagulat kaming dalawa at nagkatitigan nalang sa sinabi ni Mark.
"Hah? Anong sinasabi mo?"
"Tssk.. ayaw niyo lang sabihin ang totoo hindi ba? Kasali silang dalwa sa listahan. Listahan ng mga estudyanteng may nagawang kasalanan. At paparusahan sila doon kung kaya't pinaiwan sila doon sa may Bulletin Board." ang mahabang pagpapaliwanag nito sa amin.
Hindi kami makapaniwala sa sinabi niya. Papaanong nalaman niya ang bagay na yun?
"Paanong-" hindi na naituloy pa ni Jeff ang sasabihin nang sumabat uli si Mark.
"Alam ko namang ayaw niyong magalala ako. Ayaw niyo nang madagdagan pa ang iniisip kong problema. Pero sana naman sabihin niyo ang totoo. Kasi hindi ko rin kakayanin kung may mangyaring masama sa kanila. Especially kay Kaori."
"Eh pero saan mo naman nalaman ang bagay na yan?" ang tanong ko sa kanya.
"Basta-"
Basta? Paanong basta? Kanino niya nalaman yun? Hindi kaya kay July? . Nang ilibot ko ang paningin para hanapin si July. Wala akong makita ni isang bakas niya sa dorm. Nakakapagtaka talaga kung bakit nya kaagad nalaman yun. Hindi pa galing sa amin ang impormasyong iyon kundi sa isang tao siguro dito sa dorm. Hindi kaya sya yun? Pero papaano? Parang may mali.
Umupo muna kaming dalawa ni Jeff sa sala kung saan inalagaan muna naming dalawa si Mark. Pinunasan ko ng bimpong basa sa noo si Mark habang si Jeff naman ay pumunta sa kusina para magluto ng sopas. Bigla nalang akong nagulat ng hinawakan ni Mark ang kamay ko. Ang higpit nito kung kaya't hindi ko kaagad na naialis. Nang ibinaling ko ang atensyon sa mukha ni Mark. Nakita ko syang maraang nakatingin sa akin. Nagpatulong siyang umupo. Kung kaya't tinulungan ko naman sya. Umayos ito ng upo at saka huminga ng malalim at lumunok. May sasabihin ata sya. Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang kamay ko.
"Laila. Sana kung ano man ang masabi ko sayo. Sana itago mo lang ito at huwag na ipagsabi sa iba-" ano bang sinasabi nito?
"Matagal ko nang gustong sabihin ito sa kanya ngunit wala akong tapang o lakas para sabihin iyon ng harapan. Kaya pansamantala ay sasabihin ko muna sayo. Aaminin ko sayo na may gusto ako sa kanya. Matagal na panahon na. Itinatago ko lang kasi alam kong study first yung babaeng yun eh. Sana huwag mong ipagsasabi sa iba ha" ang pagamin niya sa akin. Sino ba ang tinutukoy mo Mark? . Tinignan ko lang sya. Napakunot naman ito ng noo. Nginisian ko sya. Hawak niya parin ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...