Chapter 39: Verity

38 6 0
                                    

Kaori's Point Of View

"Sali tayo, Micah!" ang malakas na sabi ni Laila sa tahimik lamang na si Micah sa tabi niya. Kakatapos lamang ng mga klase namin, kaya naman nagii-ingay na naman sila. Nasa harapan nila ako kasi nga nagmamadali na akong umuwi. Masyado akong pagod kahit na wala naman kaming masyadong ginawa, half day pa nga ang pasok.


"Pero sasali lang ako kapag sumali din si Kaori." ang sabi ni Micah. Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan kong binanggit nila.


"Huh?" ang sabi ko. Ngayon ay magkakapantay na kaming maglakad.


"Kaori, sali ka na. Please na? Sali na tayo sa Mortemian Night, Please?" ang pagmamakaawa ni Laila. Gustong gusto pa naman niya ang magsisisali sa mga contests, pageant at kung ano ano pang paligsahan kahit pa na wala siyang ideya kung para saan ang mga sinasalihan niya.


"Ako? Wala naman akong special ability na maipapakita diyan eh. Tsaka maghahanda pa tayo sa exams, mahirap na at baka hindi tayo maka-graduate." ang sabi ko. Napakamot ako na lamang ako ng ulo ko.


"Sayang ito, Kaori. Minsan lang ito sa college life natin kaya dapat sulit-sulitin na natin, okay? Kaya sumali ka na." ang sabi ni Laila. Talagang purisgido si Laila na sumali, kaya lang ay wala talaga akong maipapakita doon na kung ano mang talento.


"Sorry talaga, Laila. Hindi ko kaya, nakakahiya. Wala naman kasi akong mai-show-showcase na talent doon eh. Sorry talaga." ang sabi ko.


"Ganoon ba? Edi hindi nalang ako sasali para wala na ring hassle at mabantayan ko rin ang studies ko." ang sabi niya. Nalungkot naman ako sa nangyari. Nang dahil kasi sa akin ay magiging hadlang pa ako sa paggawa ni Laila ng mga gusto niyang gawin.


"Hindi, Laila. Okay lang, sumali ka na. Don't worry, we're gonna support you. Ayoko namang dumedepende ka sa mga desisyon namin. Just do whatever you want and we are here for you." ang sabi ko tsaka ko hinawakan ang kamay niya.


"Ayokong mag-isa at gusto ko'y palagi ko kayong kasama sa lahat ng bagay. Kaya hindi nalang ako tutuloy. Okay lang naman iyon,hindi ko naman ikahihirap iyon. It's just a piece of talent show at saka walang cash prize doon." ang sabi niya at saka naman kaming tatlo tumawa.



He loves me. He loves me. He loves me. He surely loves me. From the way he talks to the way he treats me. Argh!


I confront him. He said that he is surely inloved with me. And that he is jealous with Johann.


But, what the frick am I going to do? A guy is inloved with me! I will repeat, A fricking guy is inloved with me!


Suddenly, a tear that has been locked up in my eyes rolled. Hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang dahilan kung bakit na lamang ako biglang napaiyak. Unti-unti isa-isa ay patak ng patak ang mga luha ko. Halos hindi siya tumitigil at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang na memoryang nagpumilit na pumasok sa utak ko.


His smile. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin siya. Iyong kung gaanong kasakit na pinaramdam niya sa akin. At kung papaano niya dinurog durog ng pira-piraso ang puso ko.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon