Kaori's Point Of View
Nakatulog na ako sa may upuan sa may dining table. Hindi ko alam kung bakit ako nandun Samantalang sa may upuan ako sa sala nanatili habang tinititigan at hinihintay kong magkaroon ng malay si Laila. Pagkagising ko,nmay hawak akong mig ng kape na tila may laman pa. Nagtimpla ba ako?
Pumunta ako sa may sala kung saan ko iniwan si Laila. Nagulat ako dahil tumambad sa akin ang nakaupong si Reizza. Inikot ko ang paningin ngunit wala akong nakita ni isang bakas man lang ni Laila sa dorm. Napatingin ako kay Reizza na nagaayos ng rubber shoes niya. Nagulat naman ako dahil biglang may kung sino na nagsalita galing sa likod ko.
"Excuse me Kaori" ang sabi ni July na may hawak na bag. IbInigay niya ito kay Reizza na abala parin sa pagaayos ng kanyang sarili. Wala ako sa sariling bumalik sa may dining table. Nakakita ako ng isang note na nakalagay sa isang maliit na kapirasong papel.
Sorry kung dahil sa akin ay hindi ka nakatulog ng maayos. Sorry kasi inintay mo akong magising or magkaroon ng malay. Nga pala hindi na kita ginising kasi mahimbing ang pagkakatulog mo. Pinagluto at pinagtimpla na pala kita ng pagkain mo. Sorry kung malamig yun kapag nakain mo. Kanina ko pa kasi niluto eh. Pero sana kainin mo parin. Maaga na akong pumasok. Kaya huwag mo na akong intindihin. Kung kaya mo nang pumasok, pumasok ka na. But if hindi pa mag-stay ka lang dyan sa dorm at huwag kang gagawa ng chores ahh!
From: Your beautiful bestie
Lilac Rain Julio
Ps. Thanks for everything. (With a heart emoji and a signature)Yung totoo. Ano bang nakain ng kaibigan ko? Worth it naman lahat ng ginagawa ko para sa kanya kasi alam kong appreciated yun lahat. Hindi ko mapigilang ngumiti nang mabasa ko ang note na yun. I feel special!
"Huy! Bakit ka nakangiti dyan ah?!" ang KJ naman nito! Syempre sino pa ba edi si July! Napaka-KJ talaga nitong babaeng to! Nakakainis!
"Masama ba July?" ang iritang tanong ko sa kanya.
"Nope!" ang pasigaw nitong sabi sa akin. Mabilis niyang kinuha ang isang baso ng tubig na kinuha nya galing sa fridge at mabilis na umalis sa dining area.
Salamat naman at umalis agad sya! Hindi ko kaya ang attitude niya! Ayoko rin na matagal na makipagusap sa walang kwentang katulad niya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay matapos niyang umalis sa lugar kung nasaan ako. Heh! Ano bang pakialam niya?
Itinupi ko ang maliit na papel at inilagay ko iyon sa bulsa ko. Hindi mawala-wala ang matamis na mga ngiti sa aking labi. Kinuha ko ang isang mug na may lamang kape. Dahan-dahan kong hinigop ang laman nito. Habang malalim na nagiisip sa mga nangyari last night.
Nagulat nalang ako bigla nang makarinig ng isang malakas na kalabog sa may sala. Mabilis kong ipinatong ang mug na hawak ko sa dining table. Pumunta ako sa lugar kung saan may kumalabog.
Nang pumunta ako doon, wala naman ni isang tao akong nakita roon. Malamang ay pumasok na sa kani-kanilang mga klase sila Reizza at July. Siguro ay pabagsak nilang isinarado ang pinto kaya ay nakarinig ako ng malakas na pagkalabog. Nang mapagtanto ko ito, bumalik naman ako sa dining table at kinuha ko ang mug. Tsaka ako pumunta sa may kusina at inilagay ito sa may sink. Hinugasan ko at saka ako pumunta sa kwarto namin.
Nakita ko roon si Micah na mahimbing na mahimbing na natutulog. Tila ayaw pagising. Mahigpit niya kasing yakap-yakap ang teddy bear niya.
Alam kong napakahalaga nun sa kanya. Dahil yun ang regalo ng magulang niya sa kaniya bago ito mamatay. Namatay sila sa isang aksidente, fire perhaps. Si Micah lang ang nakaligtas at naiwan sa loob ng kanilang bahay ang mga magulang niya at tanging ang teddy bear niya ang nadala niya.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...