Jeff's Point Of View
Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila. Sa kadahilanang, mabilis na akong lumihis at tumalikod sa kanilang dalawa. Naiwan ko silang dalawa na nakaestatwa sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung saan pupunta, ang gusto ko lang ay magalis ng mga stress na naiisip ko. Gusto ko lang ay may mapagbuntunan ng mga stress ko. Hayyst! Sabay sabay nga naman!
"Lee! Jeffry Lee!" nakarinig ako ng isang boses na tumatawag sa akin. Isang pamilyar na boses iyon, at halos ay palagi ko na itong naririnig. Si Hans.
Dahan-dahan kong ipinihit ang katawan paharap sa taong tumawag sa akin. Hindi nga ako nagkamali, si Hans nga. Nasa isa siyang fountain, kasama niya sila Chase at Mark. Nakaupo ang mga ito sa may bench na malapit sa fountain. Habang si Hans naman ay nakatayo sa tapat nito, kakaway kaway sa akin. May malaki ding ngiti sa kanyang labi. Ngumiti din naman ako sa kanya at mabilis na pumunta sa kinatatayuan niya.
"Why did you call me?" ang tanong ko. Napakunot noo nalang si Hans sa aking itinanong. Nakakrus na rin ang kaniyang kamay. Pagkatapos noon, nagtapin siya ng kaunting tingin sa dalawang binatang nakaupo sa may bench. Napatintin naman din ako sa dalawa na nakatingin din sa aming dalawa. Busy si Chase sa pagbabasa ng libro habang si Mark naman ay nagsusulat ng kung ano-ano.
Nang makatingin ako sa dalawa, napansin ko namang ibinalik sa akin ni Hans ang tingin na nakakunot-noo pa rin.
"Why?" ang sabi ko.
"Nakalimutan mo?" ang tanong niya.
Nakalimutan ko? Anong nakalimutan ko?
Pilit akong nag-alala ng kung ano anong bagay na dapat ko 'daw' na gawin ngayong araw. Luckily, wala akong maalala.
"I forgot what?" ang tanong ko.
"Tss, nakalimutan mo nga" ang sabi niya. Nakakunot-noo pa rin ito at halos hindi na maalis sa kanyang mukha ang ekspresyon niya sa mga oras na ito.
"Ano ba iyon?" ang tanong ko.
"Hindi ba't gagawa tayo ng project sa Science? Nakalimutan mo talagang ungas ka!" ang sabi niya. Binatukan pa niya ako bago kami tumawa na dalawa.
"Kelan ba kayo matatapos diyan sa paglalandian ah? Anong oras na?" ang sabi ni Chase. Hawak hawak niya pa rin ang libro at ni hindi siya lumingon man lang sa aming dalawa ng siya'y magsalita. Diretso pa rin ang kanyang tingin sa librong binabasa habang napansin ko naman si Mark na busy-ng busy at tila ayawa paawat sa pagsusulat niya. Hindi siya man lamang umimik at katulad ni Chase ay diretso din ang kanayng tingin at atensyon sa ginagawa.
"Ano bang gagawin?" ang tanong ko kay Chase. "Nang maumpisahan na" padagdag ko.
"Hans, where is the book?" ang sabi niya.
"Beside you"
Dahan-dahan niyang ibinuklat ang mga pahina ng libro. Habang mabilis naman akong lumapit sa kinauupuan niya. Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
"Read it and do a report about it" ang utos niya.
Ginawa ko naman ang ipinaguutos niya at tahimik na binasa ang nakalagay sa bawat pahina na kanyang itinupi.
What is Astrobiology?
"Eh, isang tanong lang ang nakalagay dito ih. What is Astrobiology lang" ang sabi ko. Tsaka ko paulit-ulit na binuklat ang mga pahina pabalik balik.
Napatingin naman ako sa kanya na nakakrus ang kamay sa harapan ko. Nakakunot-noo ito samantalang, napansin ko naman si Hans na nakatayo lang sa tabi ni Chase habang si Mark ay nakatingin din sa akin ng walang kaemosyon emosyon.

BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...