Kaori's Point Of View
Pagkatapos na bumulagta ni Nicka ay kaagad naman siyang binuhat ng isang lalaki papunta sa kung saan. Syempre, siguro sa clinic.
Napabuntong-hininga na lang ako sa nasaksihan. Lumakas ang kabog ng aking dibdib at halos hindi ako makahinga ng ayos. Parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan na hindi ko malaman. Nanginginig din ang tuhod ko habang hawak hawak naman ni Jeff ang braso ko. Dahil, anytime pwede siguro akong bumagsak.
"Umalis na tayo dito, J-Jeff." ang pag-aaya ko kay Jeff. Kaagad naman niya akong hinawakan ng ayos para maialis sa cafeteria. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyong nakita ko. A person died in my front! And worst, wala akong nagawa para sa kanya. Hindi ko nga rin alam ang nangyari sa kanya pagkatapos.
"Oh? Tapos?" ang sabi ni Micah pagkatapos namin na ikinuwento sa kanilang dalawa ni Laila ang mga nangyari. Hindi pa rin kasi ako maka-move on. Eh, sino bang hindi makaka-move on doon, 'di ba?.
"Ayun! Hindi namin alam kung saan na dinala noong lalaki si.... Uhmm.. ano bang pangalan non?-" ang pagpapaliwanag ni Jeff. Natigilan siya sa pagsasalita nang bigla akong nakisabat.
"Si No.38, Nicka....-" ang sabi ko. Ikinatahimik nila iyong lahat. Hindi ko alam kung nagulat ba sila sa sinabi ko or what.
"She died?" ang tanong ni Micah habang si Laila naman ay tahimik lang na nagiintay ng mga susunod na sasabihin ko.
"I don't know.... Maybe...basta.... Huwag na nga nating pag-usapan iyan!." ang pagpupumilit ko. Bigla akong tumayo at bumitaw sa pagkakahawak ni Jeff sa akin.
"Kaori! Saan ka pupunta?! Hoy!" ang sigaw ni Laila. Hindi ko siya inimik. Hindi ko siya pinansin, ni wala akong pinansin sa paligid ko. Dire-diretso lang akong umalis sa classroom namin.
Nang makalabas ay kaagad akong bumaba ng first floor. Nasa third floor kasi ang room namin. Mabilis akong bumaba sa hagdanan at hindi ko alam kung bakit. Siguro ay para hindi na nila ako masundan. Gusto kong mapag-isa ngayon.
Nang mapagtantong malayo-layo na rin ako sa building namin ay nagdahan-dahan na rin ako sa paglalakad. Pinakiramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Hmmm..... So refreshing!
"Pwede ba? Huwag na kayong magtago, kasi nararamdaman ko naman ang presensya niyo!" bahagya akong napatigil sa paglalakad at isinigaw ko iyon. Pagkatapos ay humarap ako sa kanila. Sabi na nga ba eh, they've been following me all the time.
"Saan ka ba kasi pupunta?" ang tanong ni Micah. Nasa likod niya si Jeff at si Laila.
"Basta sa kung saan. At ako lang MAG-ISA." idiniin ko ang mga huling salita sa kanilang tatlo. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama. Sadya lang talagang gusto ko lang na mag-isa ngayon.
"Okay, FINE!" ang sigaw ni Laila. Mukhang nagalit ata sa akin.
"C'mon Guys! Let's Go!. Hayaan na natin sya." ang padagdag niya. Tumalikod na sya sa akin pagkatapos ay sumunod na si Jeff at Micah sa kanya.
Hmph! Ano bang problema niya? Or baka, anong problema ko?
Pagkatapos ng nangyari'y nagpatuloy na ako sa paglalakad. Marami akong nakakasalubong na mga estudyante at bihira ang mga guro. Nasaan kaya sila ngayon?
Napansin ko lang, hindi ko pa ulit nakikita si Naive or either yung mga Creepy Guys na palaging nakatambay doon sa may dulong bahagai ng soccer field. Hmmm... Nasaan kaya sila?
Habang naglalakad, napadaan ako sa soccer field. At gaya ng inaasahan kong gagawin ko. Napabaling ang akung tingin sa lugar kung nasaan palagi iyong mga Creepy Guys na sinasabi ko. Eventually, wala sila doon.

BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...