Kaori's Point Of View
Tinitigan niya kami ng tinitigan. Pinatayo niya kasi kami dito 'ulit' sa may cafeteria. Uwian na ngayon at ngayon na rin maguumpisa ang punishment kuno na sinasabi niya.
"Kita ninyo itong mga ito?" ang sabi niya tsaka niya itinuro ang mga makakalat na mesa at upuan sa cafeteria. Para ngang dinaanan ng bagyo ang lugar dahil sa gulo at karumi nito. Kasing-rumi noong office niya!
"Pinasadya ko talaga ito para sa inyo. Para naman mahirap-hirapan naman kayo ng kaunti." ang sabi niya.
Talagang nakakainis siya!
Nakatingin lamang ako sa mga ito at hindi nagbabalak na magbigay ng tingin kay Naive. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan doon at maraang nakatingin sa amin- sa akin.
"Oh? Ano pang iniintay ninyo?! Mag-umpisa na kayo!" ang sigaw niya sa amin.
Nagulat kami sa pagkakasabi niya. Sumigaw kasi siya para lamang magbigay ng kanyang utos.
Pwede namang sabihin ng maayos ah!
We have no choice kaya sinunod na lamang namin siya. Mahirap na't madagdagan na naman iyang mga pesteng punishment na matatanggao namin.
Isa isa kong kinuha ang mga plato't tray na nasa mga lamesa. Samantalang, si Mark naman ay kinuha ang mga basahan at sya naman ang nagpunas ng mga lamesa.
Pagdating ko sa kusina ay wala ni isang tao. Ang alam ko'y may mga cafeteria kami pero bakit ngayon ay wala sila. At sa pagkakaalam ko, mayroon din kaming mga janitor at sa mga oras na ito sa tingin ko'y dapat nandito sila Manang para maghugas ng mga plato at maglinis ng cafeteria.
Halatang pinaghandaan talaga ni Naive ah! Good Job, My Friend! Mukhang mahihirapan nga kami, ako nito. Madami kasing mga plato pa ang nasa labas at wala akong katulong na maghugas ng plato.
Uumpisahan ko na sana maghugas kaya lang hindi ko mahanap ang mga gamit. Iyong sponge, nasaan? Iyong dishwashing, nasaan? Ano ba iyan!
Naisipan kong lumabas para tanungin si Naive para sa mga gamit. Kaya iniwan ko muna iyong mga plato at kung ano ano pa doon sa may kusina.
"Naive?" ang sabi ko ng makalapit ako. Tinignan niya ako ng nakataas ang kilay. Napansin ko rin na napatingin din sa akin si Mark na ngayo'y pinupunasan pa rin ang iba't ibang lamesa sa cafeteria.
"Ano iyon?" ang sabi niya. Napakrus siya sa kanyang kamay.
At bago pa man ako makapagsalita ay naibaling namin lahat ng aming atensyon ng biglang bumukas ang pintuan ng cafeteria at iniluwal nito ang isang lalaki. May sukbit sukbit siyang bag sa kanyang balikat at nanakapamulsa naman ang isang niyang kamay.
Nagkatinginan kaming dalawa. Samantalang, napatayo naman si Naive at si Mark naman ay hindi man lang nagbalak tumingin at itinuon lamang ang atensyon sa paglilinis.
Napangisi na lamang ng nakakaloka si Naive. He let out a heavy sigh. Samantalang, napakunot noo na lamang ako.
May balak pa pala siyang magpakita!
Ibinaba ng binatang kakadating lamang ang bag niya. At mabilis siyang pumunta sa isang parte ng cafeteria at nagsimulang magligpit ng mga plato without saying a single word.
He take off his coat and he also rolled up his sleeves. Pagkatapos ay pinagpatong patong niya ang mga platong nakalagay sa lamesa.
"Ang akala ko hindi ka na magpapakita? Mah konsensya ka rin pala ano?" ang biglang sabi ni Naive at saka siya naglakad papalapit kay Johann na busy sa pag-aayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/169240862-288-k78353.jpg)
BINABASA MO ANG
Mortem
Misterio / Suspenso[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...