Kaori's Point Of View
"Micah. Sorry. H-hindi ko s-sinasady-ya. P-please, h-huwag ka namang ganiyan magalit." ang sabi ko.
Malakas na ibinagsak niya ang tatlong libro na hawak niya sa lamesa. Ni hindi niya ako tinitignan at mukhang galit na galit siya sa akin. Mabuti na lamang at kahoy iyong lamesa at hindi glass. Kung hindi ay basag na kanina pa iyong lamesa. Masyado kasing malakas ang pagkakabagsak ni Micah doon.
Sinenyasan ako ni Serenity na lumabas na muna. Para daw makapagpalamig ng ulo si Micah. Siya na lamang daw ang bahala sa kaibigan ko. Bakit ba lahat nalang sila galit sa akin? Ganoon ba talaga ako ka-walang kwenta?
Naglakad lakad ako sa labas ng dorm namin. Nagpahangin muna ako dahil baka pagbalik ko sa dorm ay mapatay ako ni Micah sa sobrang galit niya sa akin. Napadako tuloy ang tingin ko sa dorm nila Mark. Wala na sila sa tapat noon at wala na rin iyong mga lalaking nakaupo sa may bench na malapit sa dorm namin.
Napabuga na lamang ako ng hangin. Sana nga lang ay kapag ginawa ko iyon mawala na lahat ng alalahanin ko. Sana sa paglakad-lakad ko ngayon ay wala nang mga problemang darating sa amin. Kaso, hindi eh.
Masyado pang maraming problema ang dadating sa amin. Kasi naman, hindi pa rin namin alam kung anong nangyari kay Jhiah, nawawala pa rin hanggang ngayon si Ate Reizza, hindi pa rin namin alam kung saan pumunta si Laila at kung bakit niya pinagtangkaang lasunin si Jhiah, at ngayon dumagdag pa si Micah. Isama mo pa iyong hindi pagpansin sa akin noong mga kasama sa dorm nila Mark.
Hay.
Mahigpit kong hawak-hawak ang kwintas ni Ms.Therrisiah. Siguro may dalang kamalasan itong kwintas na ito, dumating lang kasi ito sa akin ay nagsimula na naman iyong mga bagong problema.
Iginala ko muna ang paningin ko sa paligid. Tila hindi ko naman malaman ang nararamdaman ko. Parang may kakaiba na hindi ko maintindihan. Parang may kung sinong nakatingin sa akin. Kakaiba lang talaga ang paligid ngayong araw. O di kaya'y epekto lang talaga ito kanina noong may lagnat ako? Basta.
HIndi ko napansin at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na malapit sa building namin. HIndi ko alam kung bakit ako nagpunta doon. Kaya naman ay dumiretso nalang ako tutal ay medyo malapit na rin ang office ni Ms. Therrisiah doon.
Habang naglalakad naman ako ay hindi ko maiwasan na hindi maalala si Micah. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong reaksyon niya kanina. Natumba ko lang naman iyong mga libro niya tapos noong ibabalik ko sa dati'y bigla naman niyang kinuha sa akin at ibinagsak niya ng malakas sa lamesa.
Hindi lang kay Micah ako nag-aalala, kay Serenity din. Baka kasi kung magkataon ay sa kaniya ni Micah ibuntong ang galit niya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Wala akong maintindihan na kahit isa. Wala.
Napabalik ako sa realidad nang mapansin ang ubod na tahimik na hallway na dinadaanan ko. Kakaiba lang kasi bihira itong maging tahimik. Siguro ay dahil lang sa walang pasok. Pero kahit naman na walang pasok dito'y napakaingay dito sa hallway na ito. Madalas kasing tumatambay dito iyong mga estudyante sa ibang building. Nandito rin ang library kaya maraming dumadayo sa building na ito. Pero, kakaiba talaga ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Mortem
Misterio / Suspenso[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...