Chapter 11: Librarian (Pt.1)

123 16 0
                                    

Micah's Point Of View

"Pfft..." ang sabi ko.

Simula na kasi ng kalbaryong kakaharapin namin ni Kaori. Hayysst! Kainis! Bakit pa kasi may mga punishment punishment pang nalalaman si Naive!?

Monday...

Nagayos kami ng mga sarili namin. Maagang pumasok sa klase para hindi maulit yung nangyari nung mga nakaraang linggo.

"Pfft.. ready ka na ba Kao?" ang tanong ko sa kanya habang abala siya sa pagaayos ng sarili.

"Do I have any choice Micah?" ang sagot nito.

"Good morning class!" ang pangbungad na salita sa amin ni Ms. Dantez, teacher namin sa Filipino.

"Hindi po ba pwedeng Magandang umaga mga estudyante?" ang pagrereklamo ni Hans. Nasa likod siya ni Laila na abala sa kung anong kinakalikot.

"And why?" ang sabi ni Ms. Dantez.

"Pfft.. hindi nyo ba nakuha? Or sadyang mahina lang talaga ang ulo niyo? Isa kayong guro sa asignaturang Filipino, kung kaya't kailangan niyong magsalita ng purong wikang tagalog kapag kayo'y nasa klase" ang mahabang pagpapaliwanag ni Hans.

Nagulat kaming dalawa ni Kaori. Katabi ko kasi siya sa upuan. Busy rin sya sa kung anong ginagawa niya. Habang ako naman ay walang ginagawa, nakapangalumbaba lang at iniintay ko lang na dumating si Ms. Dantez.

"At may gana ka ngayong manigaw Mr. Jimenez? Baka gusto mong isumbong kita sa may kinauukulan dahil dyan sa inaasta mo?" ang sabi ni Ms. Dantez.

"Pfft.. baka nakakalimutan mo Ms. Dantez. Mas mataas-" tumayo na si Hans.

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang pinigilan siya ni Ms. Dantez.

"Oo hindi ko nakakalimutan kung sino ka. Please umupo ka na" ang sabi nito kay Hans.

Sino ba si Hans? Gaano kataas ang posisyon niya? Sino ba sya para katakutan at sundin?

Napatingin ako kay Hans nang bumalik siya sa pagkakaupo. Gayundin sina Kaori at ang iba naming kaibigan. Pati rin ang iba naming kaklase.

Napansin ko namang hindi na nagbalak pang tumingin kay Hans. Nasa likod niya ito kung kaya't nakakahiya naman para sa kanya na tumingin kay Hans at titigan ito. Itinuon lang niya ang kanyang buong atensyon sa pagbasa at paggawa ng kung ano sa table niya. Ang dami niyang kung ano-anong kinalikot sa table pati narin sa bag niya.

Nang ituon ko naman ang atensyon sa pisara. Naramdaman ko naman na nakatitig rin si Kaori kay Laila.

"Ang weird ngayon ni Laila ano?" ang tanong nito. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang hinahanap niya't ganyan siya kalikot at hindi mapakali?"

"I don't know" ang maiksi kong sagot sa kanya.

Binalik naman niya ang kanyang tingin sa isang notebook na may kung anong nakasulat, reviewer ata. Hindi ko nalang pinansin ang kung sino sa kanila.

Hanggang sa mag-umpisa at sa matapos ang klase ay wala akong naintindihan. Kung meron man ay kaunting-kauniti lang yun. Kinakabahan na kasi ako sa gagawin ko mamaya. Maglilinis lang naman ako ng pesteng SPO Office na yun. Pfft... Si Kaori naman ay magiging librarian for a while. May sakit daw kasi si Ms. Josephine at kailangan ng hahalili sa kanya.

"Anong gusto niyo? Treat ko" ang sabi ni Mark.

"Kahit ano lang" ang sabi ni Kaori. Sumangayon naman ako sa sinabi niya. Sinundan namin ng tingin si Mark na pumunta sa isang estante.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon