Third Person's Point Of View
"Naive!" ang sigaw ni Kith. Kaagad siyang tumayo sa pagkakahiga at saka tinulungan si Naive sa pagbuhat kay July. Kaagad ni Naive na napansin ang mga taong nandito. Napakunot ang noo niya ng hindi makita ang mga taong iyon.
"Where is Yvan, Kaori, and Chase?" ang sabi niya.
Dahan-dahan lamang at maingat sa paglalakad ang tatlong tinedyer hawak ang kani-kanilang mga armas. Kahit na madilim ay pinilit nilang hindi buksan ang flashlight na dala ni Yvan dahil mas mahahanap sila ng mga trolls kung gagawin nila iyon. Malalalim ang paghingang ginagawa nila ngunit hindi makikita sa kanila ang kaba. Walang gumagawa ng ingay dahil baka kung ano na namang mangyari sa kanila kapag nagkataon. Nalilito at hindi nila maintindihan kung bakit sila nasa labas ng madaling araw. "Did you hear it, guys?" ang sabi ni Yvan. Napahawak naman silang tatlo sa kanilang mga armas na dala-dala. "I think someone's watching us. Just be prepared. Ihanda niyo iyang mga armas ninyo at huwag tayong titigil at gagawa ng ingay." ang sabi ni Yvan. Kaagad na nagsitanguan ang mga kasama niya.
"Saan mo ba nawala iyong diary?" si Chase. Kita ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa kaniyang mukha. Pinilit naman na alalahanin ni Kaori ang huling lugar na pinuntahan niya bago siya dalhin ni Hans sa tapat ng soccer field. "Cafeteria. Iyong malapit sa may soccer field." hawak ang kani-kanilang mga armas ay mabilis nilang tinahak ang daang papuntang cafeteria. Mas binilisan nila ang paglakad sanhi para mas bumigat ang aura ng paligid. Bumasag sa nakabibinging katahimikan ang pagbukas nila ng pintuan ng cafeteria. Maririnig ang kanilang mabibigat na paghinga sa apat na sulok ng silid. "Hide." nagulat na lamang sila ng biglang magtago sa counter si Yvan kaya kaniya-kaniya ang dalawang naiwan na maghanap ng matataaguan.
Iniluwa ng pintuan ang isang lalaki na may katamtamang taas at may glasses. Palinga-linga siya sa paligid na animo'y may hinahanap na kung ano.
Kaori's Point Of View
Hindi ko maialis ang tingin ko sa lalaking pumasok sa cafeteria. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong Mortemian's Night at hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayong nakita ko ulit siya. Palinga-linga siya at mukhang hindi siya mapalagay sa kung ano mang gagawin niya. "Johann." ang bulong ko. Nagulat na lamang ako ng magtago din siya kagaya namin na mukhang may humahabol sa kaniya. Magkatabi kami ni Chase ng napagtaguan kaya naramdaman ko ang pagbigat ng kaniyang paghinga. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
"Kilala mo siya?" ang tanong niya. Mahina man ang pagsasalita niya ay sakto naman ito na naririnig ko. Napasulyap ako kay Johann na nagtago sa isang lamesang nakataob. Mabilis ang paghinga niya na sa tingin ko'y nagtatatakbo siya papunta dito. Halos magkapantay lamang ang lamesang pinagtataguan namin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Wala mang lumalabas na boses sa aking bibig ay sigurado akong naiintindihan naman niya ang bawat salitang sinasabi ko. "What's going on?" ang sabi ko. Nakatingin lamang siya sa akin at inuutusan niya akong manahimik lang. Pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang baril niya na parang inihahanda niya iyon sa kung sino mang taong paparating.
Umugong ang ingay ng kalawang ng pintuan ng cafeteria sanhi para mapahawak ulit ako ng mahigpit sa baril na ibinigay sa amin ni Yvan. Chi-neck ko rin ang kutsilyo na nasa bulsa ng pantalon ko. Bumasag sa nakabibinging katahimikan ang mga yabag ng taong pumasok sa cafeteria. "Kaori." ang sabi ni Chase nakatingin lamang siya sa akin habang ako naman ay nakatitig lamang kay Johann na parang lantang gulay na sa pagod kakatakbo papunta dito. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita at ngayong nakita ko na siya ay parang gusto ko siyang sapakin sa inis ko. Imbes kasi na maayos na naming nahanap iyong diary at makapunta na sa dorm ay kailangan pa naming mag-stay ng ilang minuto dito dahil kay Johann. Great.

BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...