Chapter 4: The List

276 35 2
                                    

Kaori's Point Of View

Nagising ako na nasa kwarto na. At sino naman kaya ang bumuhat sa akin? Ang pagkakaalala ko ay sa sofa na ako sa sala dinapuan ng tulog.

Iginala ko ang paningin sa buong silid. Wala ang mga ka-dorm ko. Saan kaya sila nagsipunta? Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa higaan ko. Tumingin sa salamin at inayos ang sarili. "Ang sarap siguro nang tulog ko" ang sabi ko sa sarili ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Muntik ko nang maitapon ang hawak kong suklay nang may biglang nagsalita galing sa pintuan ng kwarto. "Gising ka na pala" ang sabi ni Mark. Bakit siya nandito? Maari siyang mahuli kapag nagtagal pa sya dito. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay, tila hindi ko pinansin si Mark na nakasandal sa may pinto habang pinapanood akong magsuklay ng buhok ko. "Hayyst! Sige lumabas ka nalang dito sa may sala kapag handa ka na!" umalis siya sa kwarto at dumiretso sa kusina. May niluluto siya?

Hindi ko parin siya pinansin. Nang maayos ko na ang sarili ko kaagad akong lumabas ng kwarto. Umupo sa may lamesa. Humalukipkip at pinagmasdan lang ang ginagawa ni Mark. Tahimik lang ako at walang imik.

"Gutom ka na ba?" ang pagbasag nito sa katahimikan. Iniangat ko ang aking mga tingin sa kanya. Nakangiti sya sa akin habang may hawak na spatula sa mga kamay. Naaamoy ko na ang niluluto niya. Adobo?. Alam niya talaga ang paborito ko. Ngumiti ako nang maamoy ito. Napansin niya rin ito at kaagad na ngumiti rin. "Kilala mo talaga ako noh?" tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kinatatayuan nya. "An-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang paluin ko sya sa braso. Bakit niya ba kailangang gawin yun? Kinikilig ako eh. Samahan mo pa ng matamis niyang mga ngiti.

"Ouch!" Bakit ang cute niya? . Hinimas himas niya ang parte nang braso niya na pinalo ko. Ang OA!. "Hilutin mo nga! Ang sakit eh!" ang sambit nito. Hindi ko yun pinansin at hinampas ko ulit sya sa kabilang braso naman. Ngumiti siya at tinitigan ako sa mga mata ko habang ako naman ay matamis na ngumiti sa kanya.

"Cute mo!" ang pagko-compliment niya sa akin. Syempre kinilig na naman ako sa sinabi niya. Pinalo ko na naman siya na naging sanhi ng isang blangkong ekspresyon sa kanyang mukha. Mukhang nainis na sya sa akin. At sa tingin ko nasasarapan na ako sa ginagawa ko sa kanya. Hahhahhahaha! Ang sarap niya pagtripan! Ang cute niya kasi kapag nakasimangot siya. Wala syang sinabi sa akin at muling ibinaling ang kanyang atensyon sa pagluluto. Hmph! Ang bango ng niluluto niya kasing bango niya!

Napalakas ata ang pagsabi ko sa isip ko. Dahil sinimangutan niya ako imbis na ngumisi sya sa akin. Anong masama dun?

"So amoy adobo pala ako ganon?" ang naiinis niyang sambit na lumabas sa akin na cute. Si Mark, ang pinaka-cute naming kaibigan. Cute siya sa lahat ng ginagawa niya. At the same time, minsan ay hot din siya kung tignan.

"Hindi naman sa ganon Mark"

"Hmph-" ang kunyaring pagtatampo nito sa akin. Tinawanan ko lang sya sa ginawa niya. Samantalang ngumisi naman siya sa akin. Ibinaling uli niya ang atensyon sa pagluluto.

Pinanood ko lang sya sa pagluluto at paghahanda ng pagkain namin. Napansin niya ata ako na pasimpleng sinusulyapan ko sya habang nakaupo sa dining table. Ngumiti sya at tinignan niya ako habang inaayos ang lamesa.

"Kao! Kain na!" ang pagaayaya nito sa akin.

Iniabot niya lang sa akin ang isang mangkok ng kanin at isinunod ang mangkok ng adobo. Wala akong imik. Ni hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ewan ko ba! Ang bad mood ko lang talaga ngayon!

Tahimik kaming kumain dalawa. Walang pansinan. Tahimik ang paligid. Walang umiimik sa aming dalawa. Nagulat ako sa biglang paghawak niya sa kamay ko. Iniangat ko ang tingin at ibinaling sa kanya ang atensyon. Nakita ko syang matamis na nakangiti sa akin. Habang ako naman ay walang emosyon. Bigla ko itong pinalitan ng isang napakatamis na mga ngiti nang makita ko ang pagngiti niya sa akin. "Anong oras ba ang pasok mo?" ang tanong niya sa akin nang hindi man lang iniangat ang kanyang mga tingin. Hindi parin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Habang patagal ito ng patagal, pahigpit naman ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon