Kaori's Point Of View
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako." ang sigaw ko sa kanya. Nakakainis na kasi eh, kanina pa siya ganyan. Pumayag na nga akong sundan niya ako dahil sa kakulitan niya eh, tapos kanina pa niya ako inaakbayan na ikinakainis ko. Bwisit!
"Sorry na." ang sabi niya at saka siya pumunta sa likuran ko. Simula kaninang umaga ay hindi niya ako tinantanan. Noong napansin niya kasing wala akong kasabay pag-uwi ay sinabayan niya ako sinabi niya pa ngang ihahatid niya daw ako. Psh.
"Teka, bakit mo ba ako sinusundan?" humarap ako sa kanya at nagkrus ng aking mga kamay. Napatingin naman siya sa akin mula sa pagtingin niya sa nilalakaran niya. Ugh. Why is he like that!?
Nginitian niya ako tsaka niya inilagay ang kanyang kamay sa bandang likuran niya. Hindi niya ako sinagot na ikinainis ko kaya bumalik na lamang ako sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad para hindi na niya ako masundan. Ngunit kahit anong bilis ko'y nandoon pa rin sya. Hindi pa rin niya ako tinatatantanan.
Tahimik lang kaming naglalakad. Nasa kabilang gilid siya samantalang ako naman ay nasa kabila rin. Napakalayo nga namin sa isa't isa, iyong tipong ayaw na ayaw niyong magkalapit kasi naiinis ka sa kanya. Iyong diring diri ka sa pagmumukha niya, iyon! Iyon yun eh! Nakakainis!
Bakit ba kasi niya ako sinusundan? At ako naman, bakit ako pumayag na ihatid niya ako?. Psh! Ano ka rin self eh, kainis eh!
Pasimple akong sumulyap sa kanya na diretso lang ang tingin sa nilalakaran. Seryoso sya at nakakatakot iyon.
Nadaanan namin ang soccer field at napansin kong ni wala ng tao dito. Syempre, gabi na eh! Tulog na iyong mga estudyante.
Habang naglalakad ay napalingon naman ako sa bandang kaliwa ko kung nasaan si Johann. Sa likod niya ay may isang bench sa tapat ng isang malaking fountain. Nakita ko doong nakaupo si Ms.Rodriguez, naka-dekwatro pa nga ito at nakatingin sa amin. Napadako ang aking mata sa mata niya, nanlilisik ito. Nakakatakot.
Minabuti kong ialis ang pagkakatitig sa kanyang mga mata. Mahirap na, baka kung ano na namang magawa niya sa akin.
"Johann!" ang tawag nito sa binata. Ngunit binalewala lamang niya ito at dire-diretsong naglakad palayo. Napaawang ang labi ko sa inasta ni Johann. Samantalang, tumayo naman si Ms.Rodriguez sa kanyang kinauupuan at pinalisikan ako ng mata. Tsaka niya sinundan si Johann.
What's going on between them?
"Kaori! Let's go! Halika na!" ang malakas na tawag sa akin ni Johann mula sa malayo. Nasa unahan namin siya ni Ms.Rodriguez samantalang kapantay ko naman ang guro na busy pa rin sa pagtawag kay Johann.
Sinulyapan ko si Ms.Rodriguez at sakto namang napatingin din sya sa akin. Nakakatakot ang mga nanlilisik niyang mata. Nakataas pa ang kanyang kilay at seryoso siyang nakatingin sa akin.
Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa aking braso at kaagad akong hinila palayo. "Hey! Johann, mag-usap tayo!" ang sabi ng guro. Hindi ito inintindi ni Johann at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang hinihila niya ako.
"Can you stop?" ang sabi ko. Binalewala niya rin ako katulad ni Ms.Rodriguez. At wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya at sumunod sa kung saang lugar mang gusto niya akong dalhin.
Ngunit patuloy pa rin sa pagsigaw ng kanyang pangalan ang guro habang patuloy pa rin ang pagsunod sa aming dalawa. Ilang minuto ang nakalipas, at halos masubsob ako sa likuran ni Johann dahil sa biglaan niyang pagtigil sa paglalakad. Nahampas ko tuloy siya sa braso dahil doon.
"Ano ba, Johann!" ang mahinang sigaw ko.
"Will you stop following us?" ang sabi ni Johann kay Ms.Rodruguez. Humarap pa siya dito at nakapamulsang sinabi iyon habang halos wala namang ekspresyon sa kanyang mukha. Natigilan naman ang gurong kanina pa nasunod sa amin.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...