Chapter 54: Happy Halloween!

25 4 0
                                    

Kaori's Point Of View


Laila's blood are all over me pero hindi ko alintana iyon dahil puno lamang ng galit ang nararamdaman ko. Naikuyom ko ang kamay ko at saka ako seryosong tumingin kay Therrisiah. "You want a game?" ang sabi ko. Napakunot noo siya ngunit napangisi lang siya ulit. "Game? Sure. What game?" ang sabi niya. Palapit siya sa akin pero hawak niya pa rin ang baril na ginamit niyang pangpatay kay Laila.


"It's called 'Happy Halloween'" ang sabi ko tsaka siya napangisi ulit. Mas lalo kong kinuyom ang kamay ko at unti-unti namang kumurba ang ngisi sa aking mukha. "Matagal pa naman ang November pero sige sasali ako sa larong gusto mo. What is the rules, Darling?" ang sabi niya. Napangisi ako sa kaniya. "There is a one and only rule. Don't dare to die." ang sabi ko. "We'll start tomorrow. I'm exhausted and maybe I should go take a rest." ang sabi ni Therrisiah.


"Go take a rest, Therrisiah. And tomorrow will be your day." ang bulong ko habang pinagmamasdan siyang maglakad papalayo sa oval kung nasaan kami. Nang makaalis na siya ay kaagad akong nagtatatakbo papunta sa mga upuang kinauupuan nina Micah at ni Serenity. "Help me." ang sabi ko tsaka naman nagisitakbo ang iba ko pang mga kasama papunta sa akin pwera na lamang kay Naive na lumuhod sa harapan ng lupaypay na katawan ni Laila. Unti-unting bumuhos ang luha niya habang pinagmamasdan ang bangkay ng babae. Tsaka naman na lumapit si July kay Naive upang aluin ito.


Kaagad kong niyakap si Micah na iyak ng iyak nang makaalis siya sa pagkakatali doon sa may upuan. "She's in heaven now. I guess, wala na tayong savage pero caring na kaibigan, Kaori." ang sabi niya sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi. Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko at saka doon umiyak ng umiyak. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at saka unti-unting bumuhos ang luha ko. "Rice cake." ang bulong ko. Mas lalo lamang akong napahagulgol ng magbalik ang mga alaala ko kasama si Laila. She's a true friend of mine. She may be a b*tch but she actually deserves to live. I don't know what to do now.



"You need a boost." ang sabi ni Johann at saka iniabot sa akin ang isang can ng beer. Umupo siya sa tabi ko habang pinagmamasdan ang mga nagkikislapang mga bituin. "Thanks." walang buhay kong sagot sa kaniya. Binuksan ko iyon at muntik na akong masugatan sa ginawa ko. Mabuti na lamang at hindi ko trip ngayon ang magsungit at maging clumsy kundi baka na-target ko si Johann. I need to be brave right now. I don't need to be weak. They need me. They need me badly. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. "That's her." kaagad na binasag ni Johann ang katahmikan at itinuro ang bituin na nasa kaliwa niya.


"That's her and she'll be guiding you. Huwag kang malungkot kasi alam kong hindi siya namatay ng para lamang sa wala. She saved you and that was her plan. All you need to do now is make your own plan. Ikaw naman ang gumawa ng mabuti, hindi para sa kaniya kundi para sa lahat ng estudyante ng academy na ito. You can do it, right? I know you can do it." ang sabi niya. Nakangiti siya sa akin habang pinupunasana ang luhang hindi ko namalayang tumulo na naman pala.




Kaagad kong ikinagulat ng may maglapag ng isang lunch box sa harapan ko. Kaagad kong itinaas ang ulo ko upang makita kung sino ang taong iyon at napangiti na lamang ako ng bigla nang makita si Laila. "Hindi kita makita kanina sa canteen kaya naisip kong baka nandito ka sa hideout mo. Saluhan mo ako." ang sabi niya tsaka naglapag ulit ng isang baunan sa harapan niya. Nakangiti siya sa akin at saka niya pinunasan ang luha sa pisngi ko. "He's just right here, Kaori. Alam kong iniwan ka niya ng maaga pero you don't need to be like this. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, nawalan din ako ng tatay. Pero, alam mo kung ano iyong positive part noon? He will be guiding you. Just look at the stars and you will feel his presence. I'm just here. You got my back." ang sabi niya tsaka binuksan ang lunch box na hawak niya.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon