Kaori's Point Of View
"I investigate those suspicious people and those popular names like you. I am not your stalker, oo maganda ka pero hindi kita type. And the other is it's because you are one of the top secret persons whom Silent Hall Troll Gang are protecting and monitored." ang sabi niya. Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi maalis ang sa isip ko iyong mga sinasabi niya. Kung totoo man ang lahat ng mga sinabi niya, siguradong matutulungan niya kami.
"Yvan, sa tingin mo nakaalis na sila? Ligtas na ba tayong makakalabas dito?" ang sabi ko habang nakaupo pa rin ako sa sahig ng c.r habang si Yvan naman ay patingin tingin sa labas nito. Nakatingin lamang siya doon at tahimik na pinakikiramdaman kung may tao ba sa paligid. "I think. Let's go." ang walang emosyon niyang sabi. Kaagad kong kinuha ang diary na nakalapag lamang sa sahig. Pinagpagan ko ang damit ko at saka tumayo na. Ikinagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko. "Don't worry. I'm no harm. Just hold my hand and I'll make you safe." ang sabi ni Yvan. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi pagkatapos ay pinasadahan niya ng kaniyang kamay ang kaniyang pulang buhok.
Dahan-dahan at halos hindi makabasag pinggan kaming naglakad sa mga hallway papuntang soccer field. May mga bakas pa rin ng makapal na usok ang aming tatahaking daan papuntang soccer field. Mabuti na lamang at malapit na ang soccer field. "Yvan." napatingin siya sa akin habang hawak niya pa rin ang kamay ko. "Why did you save me?" ang sabi ko. Hindi ko naman kasi siya kilala in the first place, pero mas pinili niya akong iligtas kaysa mauna na sa ligtas na lugar. Napangiti siya sa akin. Kahit na nag-uusap kami'y nasa paligid pa rin ang atensyon niya, kitang kita ang pagka-alerto sa kaniyang mukha.
"It's because Naive told me to save you." ang sabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya hininaan ang boses niya na para bang ayaw niyang may makarinig sa sinabi niya. "Bakit hininaan mo ang boses mo?" ang sabi ko. Nagulat ako sa sinabi niya pero mas natakot akong baka may kung sinong sumusunod sa amin. "Step aside." ang sabi niya. Pagkatapos ay binitawan niya ang kamay ko habang ako naman ay gulat na gulat sa nasaksihang ginawa niya. I knew it, someone is following us. Mabilis siyang tumalikod pagkatapos ay mabilis niyang siniko ang mukha ng lalaking sumusunod sa amin. Sanhi para mawalan ng balanse ang lalaki at tumumba. "What the hell, Arazi." ang sabi nito. Nakatingin lamang sa kaniya ng diretso si Yvan, walang emosyon. Kaagad na tumayo si Hans mula sa pagkakabagsak niya at saka pinunasan ang dugo na nasa kaniyang bibig gamit ang kaniyang hinlalaki.
"Can you stop this, Hans? Matagal ko ng sinasabi sa iyo na hindi siya mabuti. At kahit kailan ay wala kang mapapala kung ipagpapatuloy mo ang pagiging matapat sa kaniya. Just think of the negative side of it, you're now just like her." ang sabi ni Yvan kay Hans na nakatayo lamang sa harapan niya. Kaagad na kumurba ang isang ngisi sa kaniyang mukha at ikinatakot ko iyon. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi ko namalayang nakadapa na sa sahig si Yvan at hawak hawak ang dumudugo niyang tiyan. "Kaori! Run." ang sabi niya kaya bigla akong tumakbo sa direksiyon ng cafeteria. Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo doon kung ang lapit lapit na ng soccer field. Nilingon ko si Yvan at kahit na may saksak siya sa tiyan ay pinigilan niya pa rin si Hans. He is doing his best and so do I, kailangan na itong matapos. Umugong ang ingay ng mga pinto ng makapasok ako sa loob ng cafeteria. Walang katao-tao dito at parang mas lalong nakakapanindig-balahibo ang bawat hakbang ko. Kaagad akong nagtago sa may counter hawak ang diary ng mahigpit.
Nanginig ang buong katawan ko ng makarinig ng mga yabag ng paa na nakapasok sa loob ng cafeteria. Hindi ko na pinagpasiyahang tignan ang kung sino man at nanatili akong nakaupo sa may sahig. "I know you're here. Huwag ka ng pa-VIP, Kaori. Mamamatay ka rin naman kaya magpakita ka na sa akin. Hindi lang ako ang nag-iintay sa iyo kundi pati na itong kutsilyo ko. Sayang, dapat sayo ang buena mano ko eh. Kaya lang biglang naki-epal iyong si Arazi." ang sabi niya. Nanatili lamang akong nakikinig sa bawat sinasabi niya. "Alam mo bang inis na inis ako diyan kay Arazi? Tignan mo kasi, madali niyang nalalaman lahat. Iyong tungkol sa pagkatao ko pati na sa buong The Demon 10 pati na iyong sikretong laro ni Therrisiah. Tss." ang sabi niya. Napabuga pa siya ng hangin bago ulit nagsalita. "I envied him a lot." ang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Mortem
Misterio / Suspenso[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
