Chapter 33: Where Are You, Johann?

26 7 0
                                    

Kaori's Point Of View

"He f*cking hurt me. Iyong kaibigan mo na iyon! Walang alam kung hindi ang magpaiyak!"

Seriously? Baka kasi ikaw lang ang nagpakatanga para sa kanya!

"Hayaan mo nalang iyon. Baka wala lang talaga siya sa mood. Don't worry, Jhannah I will confront him once I saw him." ang pangako ko sa dalaga.

Hindi rin ako sigurado kasi kung matutupad ko iyong promise ko. But, First of all Jhannah is not that bad. She's a good person pero hindi ko kaagad na napansin iyon kasi nga doon sa una naming pagtatagpo ay inaway na niya kaagad ako. And I think she do really love Johann no matter what kaya siya ganyan maka-react.

"Seryoso ka? After what I've all done to you? Gagawan mo pa ako ng favor kahit na sa tingin ko'y Malabo mo iyong magagawa kasi nga hindi ba't ayaw na niya akong makita pa?" she said. Bahagyang lumiwanag ang ekspresyon niya ngunit biglang nawala iyon ng mapagtanto niyang imposible ang bagay na gagawin ko.

I let out a heavy sigh.

It's impossible isn't it?

I think of the most positive way that I can think of. Pero wala akong ibang bagay na maisip na gawing rason sa kanya kasi nga she's really right! Imposible ngang makumbinsi ko si Johann na makipagayos pa kay Jhannah sa lagay na ito. He really is that mad in this girl. But, I really don't know why! Kasi naman hindi sinabi ng babaing ito ang rason.

"So, ano ba talagang rason at nagalit siya sayo?" ang tanong ko.

Tinignan niya muna ako ng maigi tsaka siya huminga ng malalim bago magsalita. Lumunok naman ako pagkatapos ay maiging nakinig sa bawat sunod na sasabihin ng dalagang nasa harapan ko ngayon.

"Napakahabang kwento, Kaori. Baka hindi mo maintindihan at the same time ay masyadong private ang bagay na iyon. And for Pete's sake kami lang dalawa ang dapat makaalam ng bagay na iyon. I'm so sorry, Kaori." ang sabi niya tsaka siya tumingin sa akin.

"Ganoon ba? Baka kasi kapag nalaman ko ang bawat detalye ay baka sakaling makatulong ako sayo, sa inyong dalawa ni Johann. By the way, speaking of him kaano ano mo ba siya, Jhannah?" ang sunod sunod kong tanong sa kanya na sa tingin ko'y ikinainis niya.

"Minsan may mga bagay na dapat itinatago nalang at hindi na ipinagsasasabi pa sa iba. There's that sh*tty thing we called 'P R I V A C Y'. And, ayokong pinapakialaman ako sa mga bagay na pansarili ko lang. It's so f*cking annoying, You know?. Sorry talaga, sorry if I can't open up the reason why. It's just because it's private, okay?" ang mahabang pagpapaliwanag niya.

Nalungkot naman ako ng kaunti sa sinabi niya dahilan para mapansin niya kaagad ang bagay na iyon. Napatungo kasi ako at napasimangot ng kaunti dahil sa sinabi niya. I just taught na matutulungan ko silang dalawa sa problema nila pero hindi pala. I'm just a worthless friend.





"Bagay lang naman sa kanya iyon. Hinayupak siyang monggoloid siya. That's what you called 'When MOTHER KARMA hits you'" ang sabi ng babaitang kaibigan kong si Laila.

Syempre, hindi ko rin maitatago na nag-alala at naawa din ako kay Jhannah kanina. Kasi nga, I once cry for just a f*cking boy that breaks my heart. Pero, wala naman akong sinasabing ganoong tao si Johann. And I guess, hinding hindi niya iyon magagawa sa isang kawawang babae. Pwera na lamang kung may something talagang ginawang masama si Jhannah sa kanya kaya ganoon na lamang siya kagalit sa babae.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon