Chapter 49: Finding A Partner

20 5 0
                                    

Kaori's Point Of View


"You're crazy man. Calm down. There's nothing to worry about." boses iyon ni Jeff. Napagulo na lamang ako ng marahas sa buhok ko. I keep on convincing these two of the possibilities, my conclusions at kung ano ano pang naiisip ko tungkol kay Ms. Therrisiah. Kaya lang kahit na anong sabihin at gawin ko'y hindi nila ako pinaniniwalaan. Isa na ba akong paranoid kung ganoon?



"Anong nangyari diyan sa kamay mo?" si Mark. Napansin niya kasi ang bandage ko sa kamay ko na gawa noong bata kanina. Kung sasabihin ko naman sa kaniya ang totoo, siguradong hindi siya maniniwala katulad noong nurse na gumamot sa akin sa clinic. "Wala ito. Resulta lang ng katangahan ko." ang sabi ko. Pansamantala ay dito muna ako sa dorm nila Mark, hindi rin kasi makakatulog doon si July dahil sasamahan niya pa si Serenity sa clinic habang nagpapagaling. Naiwan namang nag-iisa sa bodega si Micah. Ayokong mag-stay doon sa dorm namin dahil baka bigla ko nalang makita ang sarili kong naliligo na rin ng dugo.


"Sigurado ka ba talagang ginawa iyon ni Micah? Kasi tignan mo, Kaori. Hindi ba matagal mo nang kilala si Micah? Chilhood Bestfriend mo siya at nila Mark. Si Serenity naman ay nakilala mo lang noong naging magkaka-dorm kayo. So, posible kayang palabas lang iyon ni Serenity upang guluhin kayo? Malay mo siya talaga ang bad guy na nagbabalat-kayo lang." ang suhestiyon ni Hans. Kaagaad naman na sumang-ayon dito sila Chase pati na ang iba pang ka-dorm nila Mark. Sa bagay, Hans has a point. Pero hindi pa rin maaalis sa akin iyong mga nakita ko kanina noong nasa harapan namin si Micah. Rumehistro sa kaniya ang isang nakakalokong ngisi na bagay na ipinagtataka ko kanina pa.


Micah don't like people who smirk. Hindi niya iyon ginagawa at kailan ma'y hindi niya iyon gagawin. Ayaw na ayaw niyang ngumingisi ang isang tao sa kaniya. She finds it very creepy and annoying. So how does she manage to give us a smirk? A devil smirk. Napabuntong-hininga na lamang ako para maiwasan ko ang nagbabadya na namang pagtulo ng aking mga luha. I don't know what's going on. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa amin- sa akin. Ilang beses ko ng sinabi sa kanila ang tungkol kay Ms. Therrisiah pero hindi sila nakikinig at sinasabi nilang kailangan ko lang daw na magpahinga.


"Heto iyong mga sobra naming unan at kumot. Sorry, amoy kulob ah. Nasa aparador lang kasi iyan eh. Kung may mga kailangan ka lang sabihin mo lang sa amin. Nandoon lang kami sa mga kwarto namin, katukin mo lang kami. Sweet Dreams, Sunshine." ang sabi ni Mark. Ibinigay niya sa akin ang isang unan at isang kumot sapat na para makatulog ako ng maayos sa sofa nila. Nginitian ko si Mark na sanhi para mapangiti rin siya sa akin. "Good Night din, Mark." ang sabi ko. Maayos naman ang trato ng mga ka-dorm nila Mark sa akin kaya naging komportable ako sa kanila.


Ikot ako ng ikot sa kinahihigaan ko. Hindi ako mapakali. Malambot naman iyong sofa at iyong unan. Nakakapagbigay din naman ng sapat na init iyong kumot na ibinigay sa akin ni Mark. Sadyang hindi lang talaga ako mapakali. May kulang. May isang bagay na kulang. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko. Pagkatapos ay dahan dahan akong naglakad papunta ng pintuan. Madilim sa buong sala kaya kailangan kong humawak sa dingding para maramdaman ko kung malapit na ba ako sa pintuan. Dahan dahan ko ding binuksan ang pintuan para hindi ko mabulabog at magising iyong sila Mark. Mahirap na't baka mapagalitan at sermonan na naman ako noon.


Isasarado ko na ang pintuan at palabas na ng makarinig ako ng boses. "And where are you going?" ang sabi nito. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil baka si Mark iyon. Pero hatinggabi na't hindi pa rin siya natutulog? Humarap ako sa lalaking nagsalita. "Ugh. Kasi... Mar-" napatulala ako sa lalaking nasa harapan ko. "Where are you going? Answer me." ang sabi nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa hagdanan palapit sa akin. "Sa d-dorm?" ang sabi ko. Nanginig pa ng kaunti ang boses ko at hindi ko alam kung bakit.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon