Mark's Point Of View
"What's wrong?" umupo si Kaori sa tabi ko. Tumingin lamang ako sa kanya nang may blangkong ekspresyon sa aking mukha.
"Sino ba iyong Johann na iyon para intayin natin?" ang sabi ko.
Napatingin siya sa akin.
"Kaibigan ko, bakit? Hindi pa pwedeng intayin natin siya? Wala namang masama doon, hindi ba?" ang sabi niya.
Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Tsk!. Gaano ba talaga kahalaga sa kanya iyang KAIBIGAN daw niya kuno sa kanya? Mas mahalaga ba siya kaysa sa ak... Sa amin? Sa amin na mga kaibigan niya na matagal na? I wonder what's going on inside her head.
Napakamot ako ng noo ng tignan ko ang wristwatch ko na nasa kanang kamay ko. Mag-aalas otso na pala at wala pa rin kami sa kanya-kanya naming dorms. Paniguradong magagalit sa akin sila Jeff, pero mas lagot naman ako bukas. Bukod kasi sa mga ka-dorm ko na siguradong galit na galit pag-uwi ko ay may mas malaking problema ako kakaharapin bukas.
"Bakit ba ang tagal ng Johann na iyan?" ang naiinis kong sabi.
"I'm here. Halina kayo." he said with a low tone voice. Hindi ko siya tinignan at dahan-dahan na lamang akong tumayo.
"Mark, halika na." si Kaori.
"Mr. San Gabriel! Please sit here." ang sabi ng isang magandang binibining nasa aking harapan. Naka taas ang buhok nito at may makakapal na itim na salamin. Nakaupo din ito sa kanyang swivel chair habang paulit ulit na kinalikot ang ballpen na hawak hawak niya.
"Anong ginawa mo?" ang tanong nito ng mapansing nakaupo na ako sa upuang nasa harapan ng desk niya.
Ms. Clark Peñalosa...
Iyon ang nakalagay na pangalan sa plate na nakapatong sa desk niya.
Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay halos magkadikit na ang mga mukha namin sa lapit. Nagulat ako kaya nahulog ako sa kinauupuan ko dahil na rin sa takot ko sa kanya.
Sumandal siya sa swivel chair at bahagyang tumahimik. Nakakilang ang katahimikang naghahari sa pagitan namin. Kaya bumalik na lamang ako sa kinauupuan ko kanina. Nagulat na lamang ako ng mapagtantong nasa harapan ko na siya. Nakakatakot talaga siya!
Napansin ko ang pagiiba ng kulay ng mga mata niya. Nagiging pula ito at para isa itong dugong bumabalot sa buong mata niya. Ni wala ka na ngang makitang itim dito dahil natabunan na ng kulay pulang likido. Palapit siya ng palapit sa akin at halos kainin na niya ako sa ginagawa niya.
"Gising naaaaaa!" ang sabi nito ng napakalakas sa harapan ng mukha ko. Ikinahulog ko ito sa upuan.
"Aray! Ang sakit!" mukhang nahulog talaga ako sa higaan. Nasa harapan ko naman na nakatayo si Jeff. Tinitignan niya ang ginagawa ko. Tsaka naman ako tumayo sa pagkakahulog at nag-unat unat. Ang sakit ng siko at ng tuhod ko. Psh. Nakakainis!
"Alam mo bang kanina pa kita ginigising. Halos sumigaw na nga ako sa mukha mo para lang magising ka." ang sabi niya sa akin habang ako naman ay nakaupong minamasahe iyong siko ko. Pagkatapos ay kinuskos ko muna iyong mga mata ko at saka nag-unat ulit.
Hindi ko namalayang humiga ulit ako at nakatulog. Dahil doon, pagkagising ko'y halos magkapalit na ang mga mukha namin ni Jeff. Nasa ibabaw ko siya at kung ano anong ginagawa niya. Halos mamula na nga ang pisngi ko sa kakasampal niya.
Nang magising ako sa realidad ay mabilis ko siyang inalis sa ibabaw ko na ikinahulog niya sa baba. Samantalang, umayos ako ng upo at tinignan ko siyang nahulog sa ibaba.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...