Micah's Point Of View
Napahawak nalang ako sa braso ni Kaori. Sobrang higpit na tila wala nang bukas. Wala akong ibang iniisip kung hindi ay ang kaligtasan at kung ano ba ang maaring mangyari na gawin nila sa amin. Tinitigan ko ng masama ang nakakunot noong lalaki na nasa harapan. Siniyasat niya kaming lahat. Tila nagtaka. Hinawakan niya ang noo niya na tila ba parang masakit ito. Ginulo niya ang buhok niya at saka nagwala at sumigaw. Anong nangyari sa kanya?
"Nasaan na SYA?" ang tanong nito. Sino ba ang sinasabi niyang SYA?
"Hindi pwede! Kailangang nandito sya! Hanapin nyo dali!" ang paguutos niya sa mga kasama niyang mga lalaki.
Umugong na naman ang bulong-bulungan sa paligid namin. Tila nagtataka rin siguro sila kung sino yung SYA na tinutukoy nung lalaki. Napatingin naman ako kay Kaori na maraang nakatitig sa ginagawa ng lalaking nasa harapan. "Kao!" ang mahinang bulong ko sa kanya. Napansin naman niya kaagad yun at nilingon ako. "Bakit Micah?" ang tanong nito sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang hawak hawak ko ng mahigpit ang braso niya.
"Kaori, ano bang gagawin nila sa atin?" ang nagaalalang tanong ko.
"I don't have an idea Micah" pabulong nitong sinabi sa akin. Bakas sa tono ng pagkakasabi niya ang takot. Manginig nginig pa ang boses niya. Naramdaman ko rin ang paghawaka niya ng mahigpit sa malamig kong mga kamay. Tila ba nasa isang suspense film kami at kami ang mga bida. Naramdaman ko ang malamig niyang mga kamay. Unti unti naman niya akong niyakap na tila wala ng kinabukasan. Mangiyak ngiyak pa nga ito. Hindi kami napansin ng lalaking nasa harap kasi nasa bandag likuran kami. Natatabunan ng iba pang mga estudyanteng ipinatawag. Wala rin sa amin ang atensyon nito dahil abala sya sa isa pang estudyanteng pinapahanap niya. Tila sobrang galit sya dito.
"Kaori! Huwag kang magaalala kasi magiging maayos rin ang lahat pagkatapos nito. I promise" ang sabi ko sa kanya.
"Hey! You! Kaori right?" ang tawag ng isang lalaki kay Kaori. Hindi sya ang lalaking nagbasa ng listahan sa harapan. Hinanap ko ang tinig na yun at naibaling ko ang tingin sa isang lalaking may dalang bag. Wala ata syang klase ngayon. Tinignan ko lang sya nang may blangkong ekspresyon sa aking mukha. Samantalang si Kaori naman ay hindi man lang binalak na tumingin sa kanya. Siniko ko sya para tignan ang lalaking tumawag sa kanya. Iritang tumingin ito sa akin. "Why?" ang tanong nito sa akin.
Nginusuan ko ang lalaking tumawag sa kanya. Tumingin naman sya dito at binigyan ng isang ngisi sa kanyang mga labi. Wala man lang na naging ekspresyon sa kanyang mukha ang lalaki. Tila ba kakaiba ang aura niya. Kalahating gangster na bully at kalahating good boy or nerd. Basta I can't explain!.
Tinalikuran kami ng lalaki at pumunta sya sa direksyon kung nasaan ang lalaking nagbasa ng THE LIST. Lumapit sya dito at may ibinulong na kung ano. Tinignan nila kami nang masama especially yung lalaking nagbasa ng list. Anong sinasabi niya?. Lumapit naman ang lalaking nagbasa ng THE LIST sa grupo ng mga lalaki na nasa sulok. Sila ang inutusan nito na hanapin ang kulang na kasama sa THE LIST. Mukhang nagalit ito dahil sa ibinalita ng mga ito. Nagalit sya dahil hindi pa nahahanap ang SYA na tinutukoy niya. Ginulo gulo niya ang buhok at nang mapansin niyang kami ay nakatingin sa kanya. Kunot-noong tinitigan nya kami. Samantalang kami naman ay nagiwas ng mga tingin.
Bumalik ulit sya sa harapan. Hawak niya parin ang papel. Lumunok ito at akmang may sasabihin.
"Sa lahat ng nandito na mga estudyante. Please go to the soccer field. Go! Quick!" hindi namin alam kung bakit kami pupunta ng soccer field. Siguro ay doon niya kami paparusahan sa mga nagawa naming mga kamalian. Sumunod nalang kami sa inutos niya. Mabagal kaming naglakad at nagpahuli sa mga pumuntang estudyante sa field. Sinundan naman kami nang tingin ng lalaki at nagsenyas siya na bilisan namin ang paglalakad.

BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...