Kaori's Point Of View
Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Naive. Ang sabi niya kasi ay sumunod lang kami sa kaniya kung gusto namin ng sagot. And i actually feel like we're dumb. Na parang pinaglalaruan lang niya kami kasi ang dami niyang kinukuhang kung ano anong papel sa may safe niya. Mahahalagang dokumento na siguro ay makatutulong sa amin sa pagtuklas ng kung ano ano. Nasa isang sikreto at ligtas na lalagyan iyon at may cover pa. "Let's go. We need to hurry. The trolls might be there somewhere. Our every step is important so we actually f*cking goddamn need to hurry, sh*ts." ang sabi niya. Napangiwi na lamang ako sa kakamura niya.
"Naive, saan tayo pupunta?" si July. Lumabas kami ng SPO's Office kaya ipinagtaka ko rin kung saang impyerno kami dadalhin ni Naive. Mukha kasi siyang nagmamadali habang mahigpit na hawak hawak iyong mga dokumento na kinuha niya kanina. Palinga-linga din siya sa kaliwa't kanan habang dire-diretso pa rin sa paglalakad. Halos, mabunggo naman ako sa likuran ni Naive sa biglaan niyang pagtigil sa paglalakad ganoon din naman ang iba pa naming kasama.
Nangiwi na lamang ako sa ginawa niya. Napunta kami sa isang lugar na pamilyar sa akin. Minsan na akong nakapunta dito dahil kay July. Ganoon pa rin ang nakasulat sa mga dingding nito. Walang nagbago ni katiting na bagay. "Stop there. Diyaan lang kayo." ang sabi ni Naive. Tinanggal niya at hinawi ang bungkos ng mga patay at buhay na damo at tumambad sa amin ang isang maliit na pintuan, sapat na para magkasya ang isang tao doon. Ibinigay sa akin ni Naive ang mga dala-dala niya pagkatapos ay marahas niyang binuksan ang maliit na pinto.
"Let's go! Hurry!" mabilis kaming pinapasok ni Naive sa pintuan na iyon. Dahan dahan akong bumaba ng hagdanan na nagdudugtong sa pintuan papunta sa isang kwarto. Madilim ng kaunti dito pero hindi na ako nagulat, pangalawang beses ko ng pumunta dito kaya I'm actually used to it. "Kaori. Nasaan tayo?" si Mark. Kanina pa siya naguguluhan kung anong nangyayari ngayon. Hindi pa pala siya nakakapunta dito at siguradong wala siyang ideya kung nasaan kami. Akmang sasagot na sana ako sa kaniya kaya lang biglang sumingit si Naive.
"Silent Street. Silent Hall. As the name implies, better keep your mouth shut or else your life will be in danger." ang pagbabanta ni Naive. Hindi ko alam kung bukal ba sa kalooban niya na tulungan kami o napipilitan lang siya sa pagtulong sa amin. Napakunot ang noo ni Mark at saka niya ako hinawakan sa kamay ko. "Don't worry we'll be safe. He promised it, Mark." ang sabi ko. Kaagad ko ng hinila si Mark para sundan iyong iba pa naming kasama dahil kami nalang dalawa ang naiwan doon.
Bumungad sa amin ang isa pang malawak na silid na may pinto sa dulo. "Sa labas nitong pintong ito naghihintay ang sagot sa mga katanungan ninyo. Kung may mga aangal at magrereklamo sa inyo ay mas maganda nang magpaiwan nalang sa may itaas. Hindi ko kailangan ang sagabal sa plano ko." ang maawtoridad namang sabi ni Naive habang lahat naman kami ay halos nakatingin lamang sa pintuan. "I will. Hindi ako mapalagay sa kung anong mangyayari kay Serenity kaya magpapaiwan nalang ako. I will be the look-out of y'all." ang sabi ni Micah. Diretso ang tingin ni Micah kay Naive na wala man lang kaemo-emosyon bukod sa isang ngising kumurba sa kaniyang labi.
"Why? you promised me na sasamahan mo ako kahit saan, Micah. Don't leave, please. I need you." I said as I beg for her to not leave. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay pagkatapos ay ngumiti naman siya sa akin at saka tumango-tango. Masyadong mababaw ang emosyon ko ngayon kaya bago pa man bumuhos ang nagbabadyang luha sa aking mata ay binitawan ko na ang kamay niya dahil mukhang buo na ang desisyon niya. "Sige. You are free to go. Huwag mong hahayaang may makaalam nitong ginagawa natin." ang sabi ni Naive. Kaagad namang tumango sa kaniya si Micah.
BINABASA MO ANG
Mortem
Misteri / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
