Kaori's Point Of View
Pfft... Talagang nakakabwisit yung lalaking yun! Pinatawan na nga niya kami ng mabigat na penalties and punishment then aasarin naman niya kami? Pfft..
"Break a leg Newbies! Sleep well kasi sa isang linggo na magsisimula lahat ng pinagusapan natin. Goodbye!"
Tila nagpe-play back sa utak ko ang mga salitang sinabi niya bago kami umalis sa pesteng napakaruming SPO's Office na yun! Magkakasakit ka talaga kapag mag-stay kapa dun ng matagal. Puro alikabok at baka may mga daga at ahas pang nagtatago dun. Besides, kapag nakulong ka doon siguradong masu- suffocate ka dahil iisa lang bintana na nandun.
"Nakakainis talaga yun!" ang pagrereklamo ni Micah sa akin na sinangayunan ko naman.
"Kaya nga eh" ang tipid kong sagot.
Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdanan ng establisyimento na inakyatan namin. Napansin ko na hindi kaagad bumaba si Naive sa kwarto na yun. Bakit kaya? Ano na namang ginagawa nung lalaking yun?
Naglakad kami sa pagitan ng mga malalaking building. Tila wala atang pasok dahil hindi masyadong maingay dito at halos ang mga yabag lang naming ang aming naririnig. Mga pusong kabado at isip na nalilito. Umihip ang napakalamig na hangin diretso sa aking mukha. Napahawak naman ako ng napakahigpit sa aking suot na damit. Lamig! . Hinangin din ang ang mga damo na tinatapakan namin. Pati ang mga dahon ng maraming puno na nakapalibot sa buong campus. Bawat sulok nito ay natatamnan ng napakalalaking mga puno na ubod na ng tanda.
Hinawakan ni Micah ang braso ko. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa may balikat ko. "Para maibsan ang lamig" ang sabi niya. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan ako sa mga mata. Ngumiti naman ako sa kanya at gayundin sya.
Nararamdaman parin namin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aming mga balat. Hell! Bakit ang lamig? Wala pang December, and wala paring ber-months!
Nadaanan namin ang cafeteria, maraming mga estudyante doon. Nagkukuwentuhan, maingay, magulo. Marami ring mga gumagawa ng assignments nila. Pero bakit sila nandun? I guess wala pang lunch break or recess ah? It's still class hours! So what the hell are they doing in there?
"Kaori! Daan muna tayo saglit sa cafeteria" ang pagaayaya nito sa akin. Pilit niya akong hinihila para samahan siya.
"Bakit naman?"
"Pfft... I'm hungry! Don't you?"
"Pfft... Micah! I'm still not hungry but Thanks!"
"Kahit samahan mo lang ako"
"Sorry-"
Bigla kong binitawan ang kamay niya at saka kumaripas ng takbo. Nilingon ko sya at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha. Nainis ata sa akin, napilitan siyang pumunta sa cafeteria ng mag-isa. Habang ako naman ay patuloy lang sa paglakad-takbo sa kung saan. Ang alam ko ay didiretso lang ako sa dorm namin. Ngunit...
"Ginger! Ginger!" nakarinig ako ng isang babaeng tumatawag sa isang pangalan. Hindi ko kilala ito, ngunit namumukhaan ko. Ang babaing natawag sa pangalang Ginger ay yung mga kasama nung babaing pinapunta ni Naive sa SPO's Office. Hindi ko kilala si Ginger, pero parang naririnig ko na ang pangalang iyon. Ginger. Ginger. Kailan ko nga ba narinig yun?
"Micah, papaano nga ba ito ulit?" ang tanong ni Laila. Habang itinuturo ang isang page ng libro na hawak niya.
Nasa malawak na soccer field kami ngayon. Lunch break at kakatapos lang naming kumain. Maraming assignments at nagkakandaugaga na sa kakapaturo at kakagawa si Laila, Jeff at Mark. Samantalang kami ni Micah ay sitting preety lang. Tapos na kasi namin iyon, kagabi pa.

BINABASA MO ANG
Mortem
Gizem / Gerilim[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...