Third Person's Point Of View
Mabilis na naglakad ang dalawang estudyante papunta sa kung saan. Halos ilang araw na rin silang hindi nakakatulog dahil sa araw-araw na pagmamatyag sa isang grupo ng estudyanteng sa tingin nila ay mga badya ng kapahamakan para sa kanila. "Sigurado ka bang nandito iyong bagay na iyon? Mukhang may kung anong nangyari dito. Hans, are you even listening?" ang sabi ng babaeng naka-puting hoodie. Hindi siya pinapansin ni Hans at mas lalong naiinis lang ang lalaki dahil sa kakulitan nito.
"Can you f*cking shut up? Hindi ka na nga tumutulong sa akin nagrereklamo ka pa." ang sigaw nito sa babae. Napatahimik na lamang ang babae sa sinabi ni Hans. "Okay, fine. Whatever. Hansy. Ano bang hahanapin sa dorm na ito?" bumungad sa kanila ang isang sariwang dugo na nasa sahig pa at nagkalat pa sa dingding. Medyo gulo-gulo din ang gamit sa loob ng dorm na iyon at mas ginulo pa nila nang pinagtangka nilang hanapin ang isang bagay. "How many times do I have to tell you, Infinity? It's a diary, okay? Madam's diary!" ang naiinis nang sabi ni Hans sa kaniya at saka ginulo ang mga gamit na nasa patungan ng isang flat screen TV.
"Madam's diary. Tss. Bakit naman natin hahanapin dito iyong diary? Hindi ba dapat nasa kaniya iyon?" ang mahinang reklamo ni Infinity. Napabuntong-hininga na lamang ito at saka tinulungan si Hans na maghanap. Napatili na lamang ito ng makita ang mga dugo na nasa sahig. "May massacre bang naganap dito? Sh*t so disgusting. Maybe I would vomit." tsaka ito umarteng kunyaring nasusuka. "Can you please stop acting weird, Infinity. It doesn't suit you." ang sabi nito tsaka ipinagpatuloy ang paghahanap. Inirapan na lamang niya ang lalaki at saka pumunta sa kusina ng dorm.
Laking gulat nito na mas maraming dugo ang bumungad sa kaniya kaya mas lalo itong napatili. "Infinity! Stop with those sh*ts. Baka mamaya may makahalata sa atin. Please be normal just once." ang pakiusap naman ni Hans sa kaniya na tila hindi inintindi ng dalaga. Inilibot na lamang ng babae ang kaniyang paningin sa loob ng kusina. Inumpisahan niyang buksan ang mga cabinet sa ibaba. Halos lahat ng cabinet ay binuksan niya pero wala naman siyang nakitang kahit ano kundi mga gamit at kaunting stocks. Napahawaka na lamang siya sa noo sa pagkadismaya niya. "Bakit kasi dito ako naghahanap sa kusina? Ka-gag* mo self." ang bulong niya sa sarili niya.
Lumabas siya sa kusina at nakita niyang wala si Hans sa may sala kaya napagdesisiyunan niyang pumunta sa itaas para libutin ang iba't ibang kwarto doon. Umakyat siya at sinimulan niyang pasukin ang isang kwarto na nasa may bungad. "Don't you dare enter this sh*t. It's Queen's property. Sincerely, Queen Reizza. Tss." ang sabi ni Infinity nang basahin ang note na nasa labas ng pintuan ng unang kwarto. Pinilit niyang buksan iyon kaya lang wala siyang susi kaya inilabas niya ang isang baril mula sa shorts niya. Kaagad na umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na hawak ni Infinity. Sa pamamagitan noon ay nabuksan niya ang pintuan at matagumpay na maisagawa ang gagawin niya.
Una niyang ginulo at ikinalat ang mga gamit na nasa maliit na side table na katabi ng isang kamang gulo-gulo rin. Wala siyang nahanap na kahit ano doon kundi ang maraming magasin na kung ano ano ang laman. Nakahanap rin siya ng makeup kit kaya kaagad niyang ginamit iyong nakita niyang lipstick. "Perfect!" ang sabi ni Infinity. Nakakita din siya ng mga litratong nakapaskil sa dingding ng kwarto. "Oh. It's Julia. Julia Perez. I wonder what she will do if she finds out what happened to her lovable bestfriend. Tss. Poor Julia." ang sabi niya tsaka niya isa isang pinagkukukuha ang mga litrato at saka pinunit isa isa. Bigo siyang lumabas ng kwarto nang wala siyang makuha dito. Inilagay naman niya ang kaniyang kamay sa bulsa ng jacket niya.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystère / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...