Laila's Point Of View
Nagmamadali akong dumiretso sa lugar kung saan ako makikipagkita kay Naive. Ipinatawag niya ako dahil sa isang problema. Inilibot ko ang aking paningin sa isang hindi familiar na lugar para sa akin. Dito kasi niya piniling makipagkita sa akin. Maraming mga building ang nakapalibot sa akin. Oras ng klase noon, kung kaya't hindi ako masyadong natatakot dahil may mga estudyante pa. Umagang umaga noon, at malapit na ang oras ng klase ko. Ngunit hindi ko pa rin nakikita ang lalaking kanina ko pang iniintay.
"Laila!" narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin galing sa bandang likuran ko. Pinihit ko ang katawan ko paharap sa taong tumawag sa akin.
"Sir Naive!" ang sabi ko. Kumaway kaway naman ako sa kanya ngunit sinuklian niya ako ng isang ngisi at blangkong ekspresyon sa kanyang mukha. Napansin ko naman iyon at tinigil ko na ang pagkaway sa kanya.
"So what's the matter President?" ang tanong ko nang bahagyang nakalapit na sya sa akin. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang kaliwang paa papunta sa direksyon ko. Samantalang, ako naman ay nakapamulasang pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.
Lumunok ito at ibinuka ang kanyang bibig.
"Laila,-" ang pagtawag nito sa pangalan ko.
"Yes?"
"Hindi ko gustong dito tayo mag-usap. Kaya halika, pumunta tayo sa gymnasium 5" ang sabi nito. Kaagad niya akong hinila at nagulat naman ako dito. Nagpumiglas ako kung kaya't nagulat sya at kunot-noong napatingin sya sa akin.
"Wait... Bakit hindi sa Offi-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Dahil bigla niya akong hinila palayo sa lugar.
"Just shut up Newbie!" ang sabi nito. Dinala kami ng aming nga paa sa gymnasium 5. Malawak lawak ito. Ngunit wala ditong mga estudyante. Malamang ay nasa mga klase na nila ito.
"So just sit there" ang sabi nito. Itinuro niya ang isang upuan sa may dulong bahagi ng gymnasium. Sumunod naman ako at naupo doon.
"So?" ang tanong ko.
"Kaori, Jeff, Micah and Mark-" ang sabi nito.
"Bakit mo sinasabi ang mga pangalan nila?"
"Layuan mo sila" ang sabi nito.
"Huh?"
"Don't you hear it? Layuan mo sila" ang sabi niya.
"And why?" nakakrus pa ang aking mga kamay. Nakakunot-noong tinignan ko siya. Itinaas ko rin ang aking kilay para mas mukhang mataray.
"Hindi mo na kailangang malaman... Basta layuan mo sila"
"What if I don't?"
"What if you don't? Pfft...."
"Yes, what if I don't?. Kahit kaylan ay hindi ko sila lalayuan"
"Papaano mo naman masasabi?" ang tanong niya.
"Basta.. kahit kaylan hindi ko sila lalayuan."
"That's my decision Newbie"
"What if.. I don't follow it?"
"You must"
"Pfft.. I don't care!" akmang aalis na ako sa lugar nang hawakan ako ni Naive sa aking braso. Nagulat ako sa ginawa niya dahil napakahigpit nito kung kaya't halos maputol na ang braso ko.
"Ano ba! Let go of me!" ang sabi ko.
"Kapag hindi mo sinunod... Something bad will happen" ang pagbabanta nito.
Hindi niya pa rin ako binibitawan. Kung kaya't nagpumiglas na ako.
"Pfft... I will not follow that F*cking decision of yours! Hindi mo ako mapapasunod dyan!"
BINABASA MO ANG
Mortem
Misteri / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
