Jeff's Point Of View
Kainis! Bakit kasi may nakalaglag doon ng kung ano! Yaan tuloy, nadapa pa ako. Natawanan pa ng mga trolls!
"Aray!" ang sabi ko. Nakita ko silang dalawa na papalapit sa lugar kung saan ako nadapa. Natawa parin sila Samantalang ako naman ay napilipit sa sakit.
"Ayan kasi tatakbo takbo pa. Pfft..." ang pangaasar sa akin ni Micah samantalang napansin ko namang nakatayo lang at nakakrus ang kamay ni Kaori sa harapan ko. Nakatingin lang ito sa akin.
"Tulungan niyo nga ako" ang sabi ko habang iniaabot ang kamay kay Kaori. Kinuha naman niya ito at kaagad na itinayo ako. Muntikan pa akong ma-out of balance dahil kumikirot ang natalisod kong paa. Mabuti nalang at nahawakan ako ng mabuti ni Kaori at Micah kung hindi ay nasubsob na ako sa kung saan.
"Easy lang" ang sabi ni Kaori.
Inilibot ko naman ang aking paningin. Sakto namang nakita ko ang bagay na naging dahilan para madapa ako. Pfft.. isang notebook lang pala. Sino naman ang demonyong magiiwan ng ganyan sa gitna ng corridor?
"Nakirot.. nakirot" ang paguulit ko sa kanilang dalawa.
"Oo na alam na naming nakirot. Kaya mo ba?" ang tanong ni Kaori.
"Oo kaya ko" kahit hindi naman talaga. Masakit kaya rin iyon!
"Kanino iyon?" ang sabi ni Micah. Itinuro niya ang notebook. Samantalang, napabaling naman kami ng tingin dito ni Kaori.
"Huh? Iyan ata yung bagay na nakapagpadapa sa akin."
"Sino naman ang magiiwan nito?" ang tanong ni Kaori.
Dahan-dahan namang lumapit si Micah doon at nagtangkang kunin iyon ngunit pinigilan ko sya.
"Huwag mo nang balakin na kunin iyan Micah. Besides, eh kung tulungan niyo nalang ako?"
"Hindi ba't kakasabi mo lang na kaya mo? Kaya sige na mauna ka na kung gusto mo" ang sabi ni Kaori.
"Pfft..." ang sabi ko. Maraan muna akong sumandal sa pader at pinanood sila sa ginagawa nila.
Pinulot ni Micah ang notebook na nakita niya. Mukhang nagulat sya pagkatingin niya dito.
"Hindi ba't kay Serenity ito?" ang tanong ni Micah. Bahagyang siniyasat naman ni Kaori ang notebook na hawak ni Micah. Tumango ito nang hindi man lamang iniaangat ang tingin at patuloy parin sa pagsiyasat sa notebook. Ipinihit naman niya ang kanyang katawan patalikod. Palinga linga ito at may kung anong hinahanap. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin sa halip ay may hinanap syang kung ano.
"Jeff.. may napansin ka bang lalagyan nito?-" itinuro niya ang notebook.
Inilibot ko naman ang aking tingin sa paligid at kaagad naman akong nakakita ng isang pink na paper bag. Kaagad ko iyong iniabot sa kanilang dalawa.
"Kao, ibalik natin kay Serenity" ang suhestyon ni Micah.
"Huwag niyo nang pakialaman. Baka kunin at balikan niya ulit yan dito! Hali nalang kayo" ang pagaaya ko sa kanila. Nakakrus ang aking kamay na nakasandal sa may pader. Habang diretso at seryoso naman ang tingin ko sa dalawa habang nagdidisklusyon sila doon.
"Oo nga. Jeff is right. Besides, we didn't even know if it's surely Serenity's property" ang sagot ni Kaori.
Tumango naman si Micah at kaagad na binitawan at inilapag ng maayos ang notebook na nasa paper bag at itinabi sa mag gilid.
"Halina kayo" ang walang kabuhay-buhay niyang sabi. Kaagad naman kaming naglakad kahit hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng aming malilikot at galang mga paa.
BINABASA MO ANG
Mortem
Gizem / Gerilim[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...
