Chapter 23: Thoughts

65 7 0
                                    

Kaori's Point Of View

His smile. Bakit hindi ko makalimutan?

Sino ba talaga siya?

Gabi na at naiwan ako ditong mag-isa. Medyo matagal din bago nagsink-in lahat ng nangyari. Then, I decided na umuwi na muna sa dorm. Maaga pa ang pasok bukas kaya kailangan ko ng magpahinga.

"That guy? You know him?" ang bigla kong tanong kay Micah. Nasa kusina kami ngayon dahil kami ang nakaatas na maghugas ng mga plato.

"Who?" napakunot noo siya sa sinabi ko. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina including Creepy Guy and what did he do.

"The Guy that I'm talking about?"

"Creepy Guy? No, I don't know him. Kung sino man siya, talagang ang creepy niya at the same time ang bait din niya sa Bestfriend ko." ang sabi niya. Napansin ko ang umusbong na ngiti sa kanyang labi.

Si Jeff kaya? Does he know who really is Creepy Guy?

"I have a question, Kaori. Sino naman iyong mga taong humabol sayo? Ano bang ginawa mo na naman?" nakasimangot siya habang sinasabi noon. Hindi ko napansin na tapos na pala siya sa paghuhugas at maraan na lamang na nakatingin sa akin. Habang ako ay nakatayo lang doon, pinapanood kung anong ginagawa niya.

"Ugh... Sila Na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla kaming tawagin ni Reizza.

"Mga babae! Hanggang kaylan kayo maghuhugas ng pinggan diyan? Almost a year na oh!-" ang pagrereklamo nito. Nagkatinginan na lamang kami tsaka kami napatawa ng sabay.

"Nakita niyo ba si Jhiah?" ang tanong ni July na nasa likuran ko na pala. Pumasok na pala siya sa kwarto namin nila Micah. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Mejhiah? Hindi pa ba sya umuuwi?" ani Micah.

"Kaya ko nga tinatanong, hindi ba?"

"We don't know. Baka naglakad lakad lang iyon sa labas, nagpapahangin siguro. Alam mo na beauty rest ng mga magaganda." wika ni Laila.

"Alangan namang beauty rest ng mga panget. Edi para saan pa kung tinawag iyong beauty rest kung pangit ka naman?" ang sabi ni July.

Yeah.

"Bahala na nga kayo diyan." ang sabi ni July tsaka siya lumabas ng kwarto.

Nasaan kaya siya? ang tanong ko sa aking isip.

"Kao, lalabas lang kami ah. Gagawa kasi kami ng project. Maiwan ka na muna dito." ang sabi ng dalawang bruhilda.

Ngumiti lang ako sa kanila tsaka naman nila ako niyakap.

"Take Care!" ang sabi ni Micah. She also wave me goodbye.

Pagkalabas nila ay napasimangot na lamang ako at pabagsak na isinarado ang pintuan.

"Nangiinis ba sya?" ang sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ay nahiga muna ako sandali. Maraan kong pinagmasdan ang kulay puting kisame. Hindi ko namalayang masyadong matagal na pala akong nakatitig doon at nakaidlip ako.

Nagising na lamang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Bigla tuloy akong napatayo mula sa pagkakahiga. Kinuskos ko muna ang mata at saka nagunat. Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinto.

"Anong oras na? Bakit ngayon lang kayo umuwi?" ang tanong ko ng hindi tinitignan ang kung sino mang taong kumatok.

Nagising na lamang ako sa realidad ng biglaan akong itulak papasok ng taong kumatok. Halos matumba na nga kami sa kama sa pagkakatulak niya. "Hey! What the f*ck is your problem?" ang tanging mga salitang lumabas sa aking bibig.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon