Kaori's Point Of View
Natapos ang lahat ng klase ng ni wala akong maintindihan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga bagay na nangyari noong nakaraang linggo. Lunes ngayon at tapos na iyong big day, iyong school anniversary.
"Hindi ka ba sasabay? Ikaw lang mag-isa." inaaya ako nila Micah na sumama sa kanila na sumabay kumain sa cafeteria. Si Micah, Jeff, Laila, at Mark ang magkakasama. Napansin ko ring inaya din nila si Jhiah pati si Lian na nasa labas na rin. Iniintay nila iyong apat na inaaya pa rin ako.
"Yeah. I'm fine. Sige na mukhang inaantay na kayo nila Jhiah at Lian sa labas. Mamaya na lang tayo magkita!" ang sabi ko. Tumayo ako para mag-ayos ng gamit pagkatapos ay ngumiti ako sa kanila matapos na makita ko silang lumabas ng classroom.
Now, I'm alone in this room. Hindi pala, kakadating lang pala ni Hans. Nagulat ako sa bigla niyang pagpasok kaya nagkatinginan kami. May hawak siyang isang libro sa kanyang bisig samantalang, inaayos ko naman ang buhok ko bago ako lumabas.
"Hindi ka ba lalabas?" nagsalita siya nang makapunta na siya sa upuan niya. Bandang likuran ng upuan ko.
Naibaling ko ang tingin ko sa kanya na taimtim na nagbabasa noong librong hawak niya.
"Ugh... Lalabas na rin ako." tumingin naman siya sa akin na kaagad kong sinuklian ng isang matamis na ngiti. Ikinangisi naman niya iyon.
Nagpaalam na ako sa kanya at ni wala siyang sinabi. Patuloy lang ang pagbabasa niya. Nang makalabas ay malalim na nagpakawala ako ng buntong-hininga. Inayos ko ulit iyong buhok ko kahit kanina lang ay inayos ko na iyon. Ewan ko pero feeling ko gumulo ulit pagkatapos noong pakikipagusap ko kay Hans.
"Saan kaya ako pupunta?" ang sabi ko sa isip ko.
Where?
Hindi naman pwede sa cafeteria, nandoon sila Micah. Besides, hindi pa ako gutom. And i think, I will find that place boring. Kapag kasi wala kang kasama doon, hindi masaya. Psh.
Bigla kong naalala na may long test pala kami mamaya sa Science. I need to review. Psh, and I know where is the perfect place to do that. Library!
Ang lamig ng simoy ng hangin ay ramdam na ramdam ko habang naglalakad ako papunta sa library. Oo, mainit pero malamig naman ang hangin na umiihip sa buong paligid. Feeling ko, uulan kahit napakainit. Psh.
Tinignan ko ang relo ko sa right wrist ko. 11:05 palang. Hindi naman kailangang maglakad ng mabilis. Matagal tagal pa naman bago siguro mag-bell. Lalasapin ko muna ang malamig na simoy ng hangin. Marami-rami din akong nakitang nakakalat na mga estudyante sa field. Halos wala namang mga tao sa iba't ibang rooms.
"Ms.Torres!" naibaling ko ang tingin sa nagsalita. Kinawayan ko siya at saka naman siya ngumiti.
"Kumain ka na?" nagtanong siya ng bahagyang makalapit ako sa kanya. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.
"Halika samahan mo ako dito. Upo ka" ang sabi ni Ms.Josephine. Tinapik tapik pa niya iyong tabi niyang upuan para daw doon ako maupo. Napansin kong kumakain siya ng tinapay at ikinagulat ko ng hatiin niya iyon sa dalawa at ibigay sa akin ang isa.
"Thank you po pero busog pa ako."
"It's bad to refuse on blessings. C'mon, take it don't be shy." she handed me the bread. Nakangiti ko naman itong tinanggap at hindi na ako nakatanggi pa. Tahimik kaming kumain na sabay ni Ms.Josephine. All this time akala ko napakasungit niya. Noong first time kasi naming magkita sa library ay sinungitan niya ako. Phew! Pero once na makilala mo siya, tsak na gagaan ang loob mo kapag kasama mo sya.
"Sino pong nagbabantay ng library, Ms. Josephine?"
Napatingin siya sa akin habang may nginunguya. Nilunok niya kuna ito bagi nagsalita.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...