Chapter 16: Worried And Gossips

113 13 0
                                    

Kaori's Point Of View

Ang sasarap naman ng in-order ni Micah. Saktong gutom na gutom na ako, and I think kaya kong ubusin ang lahat ng nasa lamesa namin.

"Kaya ba natin itong ubusin?" ang tanong ni Jeff.

"Oo kaya iyan!" napa-thumbs up pa ako sa kanya. At mabilis ko namang kinuha ang isang plato at nagsimulang kumain at kumuha ng kung ano anong pagkain na galing sa lamesa.

"Pfft.. Hindi ka gutom ano?" ang sabi ni Jeff. Samantalang, katulad ko si Micah rin ay busy sa pagkain niya. Ni hindi na nga niya kami pinapansin dalawa. Pfft.. she's so hungry!

"Hindi." ang sagot ko. Tsaka ko kumurot ng kaunti sa ulam na nakahain sa harapan ko tsaka ko naman kinain ito.

"Gutom na gutom kami! Ikaw ba? Hindi ka kakain?" ang tanong ko.

"Kakain naman ako. Kaya nga lang, hindi ko alam uunahin ko." napakamot nalang sya sa kanyang ulo. Mukha ngang nalilito na sya kung anong uunahing kainin sa dami ng nakalagay sa lamesa namin.

"Bakit kasi ang dami mong in-order Micah?" ang tanong niya.

"Ayaw mo nun, marami kang choices" ang sabi ni Micah pagkatapos niyang maubos ang pagkaing nasa plato niya.

"Tsaka saan mo kinuha at paano ka nagkaroon ng pera para mabili ito? Huh, sige nga!" ang sabi ni Jeff.

"Wala ka na doon" ang maikling sagot ni Micah. Mukha namang sarap na sarap siya sa kinakain dahil ang dami niyang mga pagkain na kinuha sa iba't ibang plato at lalagyang naroroon.

"Saan mo nga nakuha?" ang tanong ni Jeff sa busy pa ring kumakain na si Micah.

"Wala. Ka. Na. Nga. Doon!" ang sabi ni Micah. Tsaka mabilis niyang ibinalik ang atensyon sa kanyang kinakain.

"Pfft.."

Habang wala naman akong imik na kumakain mag-isa. Ni hindi ko sila pinapansin dalawa. Sa kadahilanang, ang sarap sarap ng kain at pagkain ko. Hindi ko man nakikita ay nararamdaman ko ang nakakunot-noong pagtitig sa akin ni Jeff. Hindi parin ata sya kumakain ng pagkain niya dahil hindi niya alam ang uunahin.

"Why?" ang tanong ko dito. Nang maiangat ang aking tingin. Bahagya naman siyang tumango tango sa akin at inilagay niya ang kamay sa aking pisngi.

"Nothing Kao. Sige, kain ka na" ang sabi nito at nagsimulang kumuha ng pagkain na nasa kanan niya.

"Sino?! Sinong kasama niya?" ang tanong ng isang babaeng nasa kaliwa namin. Grupo sila ng kababaihang mahinhin na naguusap habang kumakain. Hindi man ako tumitingin sa direksyon nila ay ramdam ko ang presensyaat pinaguusapan nila dahil napakalapit nila sa pwesto ng kinauupuan ko. Dahil doon, taimtim lang akong nakikinig sa kanilang pingauusapan habang kumakain gayundin sina Micah at Jeff.

"Hindi ko alam. Pero dahil ata dun sa babae nakipagsuntukan si Naive" ang sabi ng babae.

Sino iyon? Si Naive nagsimula ng gulo?

"Sino ba iyong babaeng iyon para ipagtanggol niya? How pathetic!"

Kaya nga sino iyon? He is the SPO's President at hindi ko aakalaing gagawin niya iyon para sa isang babae. Maybe ay hindi ko pa talagang lubusang kilala ang totoong pagkatao ni Naive.

Sa kadahilanang, masyadong malalakas ang boses nila. Kung kaya't napansin at napansin din nila Micah at Jeff ang pinaguusapan ng mga babae sa kaliwang lamesa.

"Sino iyon?" ang mahinang pagbulong sa akin ni Micah.

Nagtapon lang ako ng tingin sa dalaga at agad na ginalaw ang aking balikat. Senyas na hindi ko alam ang sagot sa kanyang tanong.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon