Mark's Point Of View
She said she likes to talk to me this afternoon. Kaya naman mas maaga pa sa alas-kwatro akong pumunta sa meeting place namin, sa main cafeteria.
Marami rami pa ring estudyante ang nanididito nang makarating ako. Nilibot ko ng maigi ang dalawang mata ko sa paligid. Pinilit kong hanapin ang babaeng dapat ay kikitain ko dito ngunit wala pa siya.
Naupo ako sa may pinakadulong bahagi ng cafeteria kung saan ay may dalawang upuang saktong sakto para sa aming dalawa ni Kaori. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat estudyanteng nakain sa loob. Pinagmasdan ko ring mabuti ang paulit ulit na pagbukas sara ng pintuan.
Pinagmasdan ko ang bawat taong iluluwal nito ngunit wala ako ni isang makitang dilag na ang ngalan ay Kaori. Hindi naman ako masyadong nainip kasi paminsan minsan ay may bumabati sa akin at nakikiupo sa upuang nasa harapan ko na kakilala ko.
"Mark! patabi sayo!" ang sabi ng mga binatang paparating sa kinauupuan ko. Nasa bilang na tatlo ang mga kalalakihan na paparating at dalawa doon ay kilala ko ngunit ang isa ay ngayon ko lamang na nakita.
Hinila nila ang dagdag pang dalawang upuan sa lamesa ko. Marami silang dala-dalang mga pagkain sa tray nila kung kaya't natakam naman ako ng bigla.
"Bakit mag-isa lang ikaw dito, Mark? Wala ba sila Jeff tsaka iyong iba ninyong mga kaibigan? Pati iyong babaeng kaibigan mo na maganda." ang sabi ni Chase. Nasuntok tuloy siya ni Hans na nasa tabi lang niya.
"Hapon na hapon lumalandi kang hinayupak ka!" ang sabi nito. Napangisi nalang ako sa kanilang dalawa. Talaga palang close na close na ang dalawang unggoy na ito sa isa't isa kaya kilalang kilala na nila ang bawat isa and so as I and Kaori.
"I guess you're Mark? By the way, nice to meet you! I'm Red Leandro." ang pagpapakilala ng binatang ngayon ko lamang na nakita.
Sa tingin ko'y maayos naman siya at magkakasundo kami pagdating sa mga bagay bagay.
Ilang minuto palang kaming nagkakausap usap ay marami rami na rin akong nalamang bagay tungkol sa kanya. Marami raming bagay din ang sa tingin ko'y magkakasundo kami katulad ng mahilig din siya sa paggawa ng art na hobbie ko rin.
"Sino bang hinihintay mo dito't parang ang tagal tagal na dumating?" ani Chase na sinundan naman ng tanong ni Red. Nakasalubong na rin ang kilay niya dahil natapos na sila't lahat ay wala pa rin ang dalagang kanina ko pa hinihintay.
"Si Kaori lang. Ang sabi niya kasi may mahalaga kaming pag-uusapan kaya lang wala pa siya hanggang ngayon." ang sabi ko nalang tsaka ko pinasadahan ng daliri ang buhok kong gulo gulo na rin.
"Kaori?" nagulat naman ako ng muling magsalita ang binatang si Red. Mukhang kilala niya rin si Kaori kaya ganoon siya maka-react.
"Oo, bakit? Kilala mo siya?" ang tanong ni Chase.
Kumunot ang noo ko.
"May kakilala din kasi akong Kaori. Dati ko siyang... Basta may kakilala ako, close na close ko nga siya eh." ang sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/169240862-288-k78353.jpg)
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...