Kaori's Point Of View
Kanina ko pang tinititigan ang mga initials na nasa kwintas ni Ms.Therrisiah pati na ang initial na nasa sobre na para kay Ate Reizza. Hindi ko talaga maisip kung bakit may pera sa loob noon, may kasama pang sulat. Magiging pakialamera naman ako kung babasahin ko iyong sulat na para kay Ate Reizza nang walang paalam hindi ba?. Kaya itinabi ko nalang sa may bulsa ko.
Wala pa rin kaming pasok dahil nga sa may nangyari noong Mortemian's Night. Hindi pa rin akong makapaniwala na patay na si Jhazz. Ilang oras ko ring inisip kung saan, kailan at kung sino ang taong iyon. Finally, alam ko na, si Jhazz iyon. Kasama siya sa THE LIST, specifically 2nd place siya.
Napahikab na lamang ako. Ang aga-aga ko kasing nagising ng walang dahilan. Sumasakit din ang ulo ko dahil sa kakaisip dito sa initials na ito. Finally, naisipan kong tumayo sa higaan ko. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko, mahirap na at baka magising ko ang mga babaita.
Mahikab-hikab akong pumunta ng kusina. Kaagad akong nagtimpla ng kape. Nahirapan pa nga ako sa paghahanap ng stock na kape kasi hindi ko makita. Natapunan pa ako ng mainit na tubig sa kamay. Mabuti nalang at nagamot ko agad. Mahirap kayang maging clumsy.
Tahimik lang ako na uminom ng kape sa may kusina. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang initials na iyon. Pinagmasdan ko lang ang pendant ng kwintas na parang may nakatagong malalim na sikreto dito. Naisip ko tuloy ang mga itinanong ni Ms.Therrisiah sa akin tungkol kay Johann. Nakapagtataka't naitanong niya iyon sa akin out of nowhere.
Something's fishy isn't it?
Or Someone.
Ilang beses pa akong nahikab dahil nga sa sobrang aga kong nagising. Tinignan ko ang wall clock na malapit sa may refrigerator namin. It's only three in the morning. Hindi ko nga rin alam kung nakatulog ba ako o hindi na eh. Basta ang alam ko'y buong gabi'y tinitigan ko lang ang mga initials na iyon. Nagbabakasakaling may maintindihan ako sa lahat.
Bahagya akong nabuhayan at nagising kaluluwa ng makarinig ako ng gamit na bumagsak. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nagpunta ako sa kwarto ng mga kasama ko. Wala pa namang gising sa kanila ay imposibleng isa sa kanila ang may gawa ng ingay na narinig ko. Bumalik naman ako sa kusina para kunin iyong sobre na ipinatong ko lang sa lamesa.
Ikinagulat ko naman na nawala na lamang iyon bigla, katulad noong mga pagkain na nilibre sa akin. AT SAAN NA NAMAN NAPUNTA IYON?.
Sa inis ko'y nagpapapadyak ako sa may kusina. Buti na nga lang ay hindi ko nagising ang mga kasama ko. Hanap dito, hanap doon ang ginawa ko sa buong kusina. Mahilo-hilo na ako sa kakaikot ay hindi ko pa rin nahahanap ang pesteng sobre na iyon. Kung hindi nga lang kay Ate Reizza iyon ay hindi ko na pagsasayangan pa ng pawis ang bagay na iyon.
Sa gitna ng paghahanap ko'y nakarinig ulit ako ng malakas na ingay na nanggagaling sa may sala. Dali-dali akong nagpunta doon at nakita ko ang hindi inaasahang bisita. Mabilis siyang nagtatatakbo palabas ng dorm. Kaagad ko naman siyang sinundan, napansin ko kasi na may hawak-hawak siyang isang kulay pulang sobre. At kung hindi ako nagkakamali'y iyon ang sobre na para kay Ate Reizza.
BINABASA MO ANG
Mortem
Mystery / Thriller[Book 1 of The DTL Trilogy] [COMPLETED] Something's wrong. Something's off. Will they find out that they are being trolled? Can they escape the obsession? Cover: Triciaaa20 ( Thank you!) [Former: MORTEM ACADEMY] Started: December 03, 2018 Finished:...