Chapter 27: Guidance Counselor

48 7 0
                                    

Kaori's Point Of View

"Bilisan niyo na. Pumunta na kayo doon at baka kainin kayo noon kapag hindi."

Nakakatawa iyon?

Joke nga hindi naman nakakatawa. Psh.

Bakit ba kasi ako napasali sa gulong ito? Eh, sila lang naman dalawa ang nag-away at wala akong kasalanan o kahit anong ginawang masama. Inawat ko pa nga sila eh, ending napasali pa rin ako.

So yeah, here we are. Magkasama kami ni Mark na naglalakad papuntang guidance office. And in my whole whole life ay ngayon lang ako mapapa-guidance dahil sa mga gulong ginawa nila.

"Sorry." ang mahinang sabi ni Mark sa akin habang nakatitig lamang sa nilalakaran.

"For what?" ang sabi ko ng nakakunot-noo. Napatingin siya sa akin at saka bumuntong hininga.

"Nadamay ka pa kasi ng dahil sa akin. Mapapa-guidance ka ng dahil sa akin. It's all my fault. And yeah, It's okay for you to blame me. It's all my fault." ang sabi niya.

Ikinagulat ko naman ito.

"It's okay though. Hindi mo kasalanan. Nanggalaiti ka lang talaga sa inasta ni Johann. Don't worry, I'll try my best para pagsabihan sya sa ugali at pagtrato niya sayo." nginitian ko siya ng napakalaki.

"Are you sure? Aren't you mad at me?" si Mark.

"Ugh. Honestly, oo. But, kaunti lang naman. Tsaka bestfriend naman kita eh. Hindi ako nagtatanim ng galit sa isang kaibigan." tsaka ko sya inakbayan kahit na ang tangkad niya masyado para sa akin. Sya tuloy ang nag-adjust para maabot ko ang balikat niya.

*********

Third Person's Point Of View

"Sa tingin niyo, ano ng nangyari doon kila Kaori? Hindi kaya sobra na silang pinahihirapan ni Ms.Peñalosa?" ang wika ni Micah na binalingan lahat ng atensyon ng kanyang mga kaibigan.

Itinigil muna ni Jhiah ang ginagawa tsaka sya nagsalita.

"Hindi naman siguro ganoon kasama si Ms.Peñalosa, hindi ba? Siguro slight punishments lang ang ipapataw niya doon." ang sabi ng dalaga.

Napatingin sa kanya ang lahat maliban kay Laila na may kung anong sinusulat sa kanyang notebook. Pinagtinginan na siya ng lahat ng kabarkada niya ngunit hindi niya iyon pinapansin.

"What's special with that?" ang tanong ng isa pa nilang kaibigan kay Laila. Lumapit sya dito tsaka sinulyapan ang kung ano mang ginagawa ni Laila ngunit nabigo syang makita ito dahil isinarado ito ng mabilis ng dalaga at saka inilagay na sa kanyang bag.

"N-Nothing." ang sabi niya.

"Guys! Saan tayo maglu-lunch?" biglang lumitaw mula sa kung saan si Jeff. Nag-aaya ang binata sa kung saan. Napatingin naman ang lahat sa kanya habang inakbayan naman niya si Micah na nakaupo sa tapat niya.

"Wala pa nga iyong third subject teacher eh, lunch na agad ang nasa isip mo." ang biglang sabi ni Micah.

"Hayyst!" ang sabi ng binata at saka bumalik na sa kanyang upuan.

"Okay lang kaya si Mark?" ang biglang tanong ni Jhiah. Kanina pa niya bukam-bibig si Mark. Halos marindi na nga ang magkakaibigan dahil sa kakasabi niya ng pangalan ni Mark.

"He's okay, siguro." ang sabi ni Jeff.

After ng ilang subjects ay sa wakas recess na, ang pinakaiintay na oras ni Jeff. Mabilis siyang nagtatatakbo palabas ng classroom. Hindi na niya inintay ang mga kaibigan.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon