Chapter 44: T.S.V

41 5 1
                                        

Kaori's Point Of View


"Bakit nandito ka pa?" ang tanong ni Johann sa akin ng bahagyang mapatigil kami sa isang gilid. Inilayo at inilabas niya kasi ako sa may gym. And, still hindi ko alam kung saang lupalop ng eskuwelahan niya ako dinala. Kahit kasi matagal tagal na rin kami dito'y hindi pa rin namin nalilibot at nakakabisado ang pasikot-sikot dito.


"Ikaw, bakit mo ako hinila? Tsaka bakit hindi ka naka-uniform? Anong gagawin mo?" ang tanong ko sa kanya. Napabuga na lamang siya ng hangin at masamang tumingin sa akin na parang may ginawa akong mali sa kaniya.


"Ang dami mong tanong, hindi naman maa-absorb ng utak mo iyong mga sagot." ang sabi niya. Hindi ko nalang siya inintindi. Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid. Nadali naman nito ang isang pulang sobre. Kaagad ko iyong kinuha nang mapagtantong nahulog pala ito sa bulsa ko kanina.


"Ano iyan?" ang nagtatakang tanong ni Johann. Kaagad kong ipinakita sa kaniya iyong hawak ko. Napakunot-noo naman ito sa pagtataka.


"T.S.V?" ang tanong niya. Tumango na lamang ako sa kaniya. Mukhang kilala niya si T.S.V. Nalinawagan naman ako ng maisip ko iyon. Baka kasi sakaling alam niya kung nasaan si Ate Reizza. It's been three f*cking days simula ng hindi umuwi si Ate Reizza.


"Kilala mo ba iyan?" ang tanong ko. Napansin ko namang bahagya siyang napalunok ng magtanong ako.


"Hindi." ang tipid niyang sagot. Tumungo siya at kaagad na bumuga ng hangin at nagsalita.


"Pero may ipapakita ako sayo." ang sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sakto namang narining ko ang boses ni Mark sa di kalayuan. Tinatawag na niya ako't sa tingin ko'y kanina pa niya ako hinahanap. Napabitaw naman si Johann sa pagkakahawak niya sa kamay ko.


"Kaori!" ang sabi ni Mark.


"Kaori! Take care. Kilalanin mo ang mga nakakasalamuha mo. Don't ever trust anyone. Bye." ang sabi ni Johann tsaka siya naglaho ng parang bula sa paningin ko. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang nasa harapan ko na si Mark. Kanina pa siyang nandodoon pero hindi ko siya napapansin. Weird.


"Sunshine? Are you okay?" ang sabi ni Mark na ikinabalik ko sa realidad. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin kaya nauna na ako sa kaniyang naglakad pabalik. I am slowly loosing interest on him like f*ck.


Ang weird lang talaga kapag ang lapit niya sa akin. Mabilis akong naglalakad lakad hanggang sa mapadpad ulit ako sa gym. Naisipan kong pumasok muna doon ngunit nagulat na lamang ako ng bigla akong pigilan ni Mark na pumasok doon.


"It's dangerous. Huwag kang pumasok." ang sabi niya. Hindi ko naman siya pinakinggan at nagpatuloy pa rin ako sa paggawa ng gusto ko. I ended up finding myself inside the gym. Wala namang kakaiba doon na pwede kong ipahamak. Sadyang paranoid lang din talaga siguro si Mark kaya ganoon.


Lumapit ako sa stage at napansin kong wala na ang katawan noong mga namatay kanina. Pero hindi pa rin ayos ang mga ilaw at hindi pa rin malinis ang mga dugo na nandodoon. Nagmukha tuloy na haunted ang lugar na iyon. Kaagad naman akong napatago sa may gilid. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa pati na ang mga pag-uusap ng mga taong iyon. Lumabas sila galing sa may backstage.

MortemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon