Chapter One

1.6K 16 0
                                    

Weird

"Dee, hurry up please! We're getting late!" malakas na sigaw ni Kuya Xavier sa akin galing sa ibaba ng hagdan.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dala ang aking bag. Baka iwan ako ng pinsan kong sobrang mainipin. Hindi pa naman ako marunong magcommute papuntang school.

"Let's go kuya. Sorry nalate kasi ako ng gising. Namamahay pa din ata ako kaya hindi ako agad nakatulog kagabi." paliwanag ko habang naglalakad papunta ng kotse. Siya ang nakaupo sa tabi ng driver at ako naman ang sa likod.

Habang nasa biyahe papuntang school ay nakatanaw ako sa tanawin na dinadaanan. Ibang iba talaga ang pamumuhay dito sa probinsya sa Pilipinas compared sa Sydney. Vast green fields, mountainous scenery and fresh air ang usual na makikita mo. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito sa probinsya malayo sa busy pedestrians, skyscrapers at traffic sa siyudad.

My new school is a 30 minute drive from our grandparents house here in Isabela. I'm a 3rd year student this year, a transferee.

I spent half of my life in Australia dahil eight years old palang ako ng mag migrate kami dahil naging stable na ang work ni Papa. Kinuha niya kaming buong pamilya para sa makasama niya at sa abroad na nga kami nanirahan. During my younger years, sa Bicol kami nakatira kung saan ang hometown ng father ko.

One month ago, umuwi kami bigla dito sa Pilipinas dahil nagkasakit si Lolo. My mom is a nurse so she decided to go home to take care of my lolo. Dalawa lang silang magkapatid, ang papa ni Kuya Xavier at si Mama. Busy lagi si Tito Daniel dahil siya ang namamahala sa farm ng pamilya dito sa Ilagan. Ang asawa niya naman na si Tita Rose ay may grocery store sa Centro. Solong anak si Kuya Xavier kaya close siya sa aming magkakapatid kahit nasa ibang bansa kami.

Si lolo at lola lang ang naiiwan sa bahay kapag umaga kasama ang mga kasambahay. Medyo may edad na din ang grandparents ko and I would say, lolo is very stubborn. Bawal na sa kanya magkikilos masyado pero sige pa din ang kulit na pumunta ng bukid. Natatakot si Mama na baka biglang atakehin si lolo habang nasa taniman at walang kasama. Kaya pinakiusapan sya ni lola na kahit this year lang ay dito na muna magstay habang hindi pa gaanong maayos ang lagay ng kalusugan ng asawa.

Napag usapan ng parents ko na dito na muna ako mag aral para samahan si Mama. My elder brother is in a doctor taking up his specialization in neurosurgery in Australia. My twin younger sisters are in their last year in elementary. Kaya hindi sila puwede na umuwi ng Pilipinas ngayong taon kasama namin ni Mama. Ayoko sanang umuwi kasi maiiwan ko ang friends ko doon at panibagong adjustment na naman ang gagawin ko dito sa Pilipinas. Hindi naman kasi ako ang taong masyadong madaming kaibigan. Kahit kaunti basta ba totoo ang paniniwala ko.

Nakiusap sakin si Mama na samahan ko siya kasi ako daw ang favorite apo ni lolo. Napilit lang ako nang ang dalawang oldies na ang nakiusap sa akin na miss na miss na nila ako at gusto akong makasama. Who am I decline the wish of my grandparents? Kaya eto na ako ngayon. First day of school be good to me.

"Dee, baba ka na. Antayin mo nalang ako dito ha. May kukunin lang ako madali." paalam ni Kuya Xavier na hindi ko namalayang nakababa na pala ng sasakyan.

Nasa loob na kami ng school grounds kaya mabilis akong lumabas ng kotse.

"Salamat po Manong Abner. Ingat po sa pagdadrive." paalam ko sa driver.

Sumaludo naman siya sa akin at mabilis ng pinaandar ang sasakyan.

Inayos ko ang suot kong white crop top paired with skinny jeans and cream Sperry sneakers. Sinuot ko na din ang denim jacket ko dahil malamig daw sa classroom. I checked my reflection in the compact mirror. My hair is in high ponytail at ayos pa naman ang mukha ko na may nakapahid na kaunting lip gloss sa mga labi.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon