Bitches
Hinila na ako ni Amer patayo para pumunta sa dug out ng varsity players. Naiwan sa upuan namin sina Jenny at Alyssa para bantayan ang puwesto dahil baka pagbalik namin ay wala na kaming maupuan ulit. Mayroong security guard na nakabantay sa maliit na gate sa gilid ng forum bago makababa sa hallway kung saan located ang dug outs at dressing rooms. Buti na lang at kilala si Amer ng guard kaya pinapasok kami agad sa loob. Perks of being the director of performing arts club. Sikat din talaga ang baklang 'to dito ss school.
"Ako muna ang papasok sa dug out para hanapin si Ricci ha," paalala sa akin ni Amer. "stay put ka lang dito sa gilid para hindi ka muna niya makita." saka direderetsong pumasok na sa loob.
Ang plano kasi ay papalabasin ni Amer si Ricci dito sa hallway para sabihin na hindi ako makakaabot dahil na extend ang program ng charity. Pagkatapos ay bigla akong lalabas at isusurprise siya. Ewan ko lang pero andaming kadramahan sa katawan ni bakla. Kaya bagay na bagay talaga siyang maging direktor.
"Anong importanteng sasabihin mo sa akin Amer?" seryosong boses ni Ricci ang narinig ko.
Unang lumabas si Amer sa pinto kasunod ang nakasimangot na si Ricci.
"Tumawag kasi sa akin si Adi." madramang sagot ni Amer.
"Asan na daw siya? Nakaupo na sa pwesto nyo? Bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko?" sunod sunod na tanong ni Ricci.
Impit akong natawa at hindi na napigilan na lumapit at yakapin siya habang nakatalikod. Bigla siyang nanigas ng maramdaman ang mga bisig ko. Nakangiting sumenyas sa akin si Amer na babalik na siya sa taas kaya tumango na lang ako.
"Sasabihin ko sana sa'yo na dumating na ako at gusto kitang icomfort." masuyong bulong ko. "Okay ka lang ba Cci?"
Bigla siyang humarap sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Okay na ako kasi andito ka na," he sighed deeply. "andaya mo kasi eh, half time na pero wala ka pa din."
"Alam mo naman na may event din akong dapat puntahan. Buti nga at hindi nadelay ang program kaya nakaabot ako." malambing na paliwanag ko.
"I know naman. What's important is you're here with me now." masuyong hinaplos niya ang pisngi ko.
"Narinig ko may tatlong foul ka na daw." nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya nang maalala ang kwento nila Jenny kanina.
He shrugged, "wala kasi akong gana dahil hindi kita makita sa audience."
"Alam mo ang OA mo!" natatawang sabi ko.
He laughed huskily, "In love lang." sabay kindat sa akin.
Sasagot sana ako na "Im getting there" pero biglang lumabas si Brent sa dug out. Hindi pa yata ito ang tamang panahon para sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Hi Adi! Kunin ko muna si Ricci ha at tawag na kasi siya ni Coach." paalam ni Brent sa akin.
"Kunin mo na nga ito. Sa'yo na siya ulit," natatawang tinulak ko si Ricci sa kanya.
Sumimangot naman itong isa at bigla akong hinigit. "Icheer mo ako mamaya ha tapos antayin mo ako para sabay na tayong umuwi."
Aba demanding si Captain.
Tumango na lang ako para pumasok na siya sa loob. Baka mapagalitan pa siya ni coach dahil sa pagpapabebe dito.
"I'll cheer for you mamaya kaya galingan mo. I'm always here to support." pagbibigay ko ng assurance.
Yinakap niya ako uli at hinalikan sa noo. "Thank you Babe."
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.