Chapter Twenty Three

524 10 0
                                    

Discreet

"Babe, are you going to watch my first game in the UAAP?" nakalabing tanong sa akin ni Ricci isang gabi habang magka video call kami.

Pinilit kong hindi mapangiti sa sinabi niya. "I'll watch your game on TV 'bby," malungkot ang boses na sabi ko. "Sorry talaga ha, I can't watch you live dahil may event kaming pupuntahan ni Mama that day."

He smiled sadly at me, "it's okay babe. At least manonod ka kahit sa TV lang."

"I'll cheer for you from here," I said breathily. "I'm your number one fan right?"

Tumango lang ang boyfriend ko na bakas pa din ang panghihinayang sa mukha. Nakakaawa ang itsura niya na daig pa ang natalo sa championship. Pinipigilan ko ang sarili na sabihin sa kanya na may plane ticket na ako pa Manila para manood ng first game ng UAAP. Naisip ko kasi na isurprise siya at si Kuya Prince na daw ang bahala sa ticket ko para makapasok sa arena.

"Wag kana sad baby ko, sa championship promise kahit anong mangyari manonood talaga ako ng live." enthusiastic na sabi ko para gumaan ang pakiramdam ng nagtatampo kong boyfriend.

Mabilis akong naglakad papunta sa entrance ng FilOil Arena kung saan kami magkikita ni Kuya Rasheed. Halos hindi ako makadaan sa dami ng tao na papasok ng Arena dahil malapit nang magsimula ang first game. Tiningnan ko ang cellphone ko nang maramdamang may tumatawag.

"Hello Adi, nasa entrance na ako. Dito sa may gilid ng hagdan," bungad sa akin ni Kuya Rasheed pagkasagot ko ng tawag.

"Papasok na po ako," sagot ko habang nagpapalinga linga kung saang parte siya nakatayo.

Kumaway ako nang makita si Kuya Rasheed kasama si Oleg na nakatayo sa sinabi niyang lugar. Parehas silang naka color green na damit para ipakita ang suporta sa Green Archers. I'm also wearing a plain green shirt and black leggings paired with white sneakers. Nakasuot din ako ng puting sombrero na binili sa akin ni Ricci noong last akong pumunta ng Manila.

"Achi!" masayang salubong sa akin ni Oleg pagkalapit ko sa kanila. "You looks so beautiful Achi Adi."

I pinched his cheeks and gave him a brief hug, "Hello Oleg, bolero ka ha. Hi Kuya Rasheed," siya naman ang sunod kong binigyan ng mabilis na yakap.

"Hi Adi, akyat na tayo? Malapit nang magsimula ang game." aya sa amin ni Kuya Rasheed.

Pagdating namin sa naka reserve na upuan ay sinalubong agad kami nina Allen at Ashton.

"Hello Achi!" sabay na bati sa akin ng dalawang bata. "You look like a barbie."

Natatawa naman akong yumakap sa kanila tapos ay nagmano ako kay Tita Abi at Tito Paolo na nakamasid sa amin.

"They really like you, hija." nakangiting sabi ni Tito Paolo. "Kanina ka pa nila inaantay."

I blushed na ikinatawa naman ni Tita Abi. "Ikaw na ang itinuturing talaga nilang Ate."

"I really like them din po since I don't have a younger brother." nakangiti kong sabi saka kinurot ang pisngi ni Riley na nakakandong kay Tita.

Umupo na ako sa pagitan nina Oleg at Allen nang marinig na ang anunsyo na magsisimula na ang game. Ipinakilala na ang members ng kabilang team kaya sobrang ingay na sa loob ng arena dahil sa cheer ng mga fans. Nang tinawag na ang GA ay pumalakpak kami ng malakas at nakisali sa hiyawan ng DLSU supporters. Pinakilala na din ang bawat members ng GA at humiyaw kami ng malakas ng tinawag na si Kuya Prince.

"Go Ahia!" malakas na sigaw ng mga bata at malakas na pumalakpak.

"Go Kuya Brent!" hiyaw ulit nila nang si Brent naman ang tinawag.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon