Chapter Twenty Two

490 11 0
                                        

Jealous

Sobrang saya nang naging bakasyon namin sa Palanan Island. Wala kaming ibang ginawa sa loob ng tatlong araw na bakasyon kundi mag swimming sa dagat. Nakapag island hopping din kami at trekking.

Noong sumapit ang birthday ni Ricci ay nagkaroon kami bonfire night at pinayagan ang boys na mag inuman ng kaunti. Naibigay ko na din ang regalo ko sa kanyang couple's watch na binili ko sa Australia last April. Nakakahiligan kasi naming dalawa ang pagkakaroon ng magkaparehang gamit.

adi_villaraza I never knew I could love someone this much until I met you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

adi_villaraza I never knew I could love someone this much until I met you. Thank you for bringing colors to my world. I love you baby @ricciiirivero Happy birthday🎂🎁

Bumalik na sila Ricci sa Manila nang sumapit ang buwan ng Hunyo dahil simula na talaga ng hectic training sa Green Archers. Pasukan na din ulit namin sa school para sa huling taon ko ng high school. Mas mahirap ang bawat subjects sa school at sinabayan pa ng club activities. Everyday pa din kaming magkatext at call ng boyfriend ko kahit parehas na kaming busy at sobrang pagod siya lagi pagkagaling sa training.

"Beks, kilala niyo ba yung transferee sa kabilang section?" kinikilig na tanong sa amin ni Amer isang hapon na nakatambay lang kami sa students shed dahil may faculty meeting ang mga guro.

"Eon Guevarra ata ang pangalan nun baks," sagot sa kanya ni Jenny.

Tinaasan ng kilay ni Amer si Jenny at parang imbestigador na umikot, "malandi kang babae! Isusumbong kita kay Papa Jared." madramang akusa ni Amer.

Hinampas siya ni Jenny ng malakas sa balikat. "Ang OA mo talagang bakla ka. Pinag uusapan kasi siya ng mga babae kanina sa cafeteria habang bumibili ako ng snacks."

Hindi ko kilala ang taong pinag uusapan nila kaya hindi ako umiimik. I'm not even interested kaya itinuon ko na lang sa ginagawa kong design ng sapatos ang pansin ko. Dahil sa shoe fetish ko ay nakahiligan ko na ding mag drawing ng iba't ibang uri ng sapatos.

"Mabait pala at sobrang pogi din nun." patuloy na kinikilig na lintaya ni Amer.

"Paano mo naman nasabi aber?"

"Nakabanggaan ko siya sa corridor kaninang umaga tapos tinulungan niya akong pulutin ang nahulog kong testpapers na pinapacheckan ni Ma'am Ramirez."

Nagpatuloy sa chismisan ang dalawa tungkol sa Eon na iyon habang si Alyssa naman ay nagbabasa ng pocketbook sa kabilang upuan.

"Sana pati puso kong nahulog ay pulutin niya din," malanding patuloy ni bakla.

Binato ko siya ng lapis na hawak ko, "ang landi mo talaga baks!"

I didn't know that the Eon Guevarra that my friends was talking about will be the reason of my first fight with Ricci.

Nagpatawag ang adviser namin ng club meeting isang Sabado ng umaga para ipakilala ang mga bagong miyembro ng music club at para idiscuss na din ang nalalapit na music festival sa distrito na every three years lang pala nagaganap. Busy ako sa pakikipag chismisan kay Pauline na siyang bagong president namin nang dumating si Ma'am Cruz kasama ang bagong recruits.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon